April 19 ko pa to ginawa. Nagagawa ng bored nagsusulat sa waiting shed ng bus . Tula kuno ang tinira ko. hohoho! ^^ Para yan sa nagmamahal ng patago. :) Parang dagat ikaw lang nakakaappreciate ng ganda at silbi niya.
Mula sa di kalayuan
Mataman kong pinagmasdan
Ngiti mong kay tamis
Ninuma'y hindi matitiis
Upang sayo'y mapalapit
Sa buhangi'y puso ko'y inukit
Laman ang pag-asang turan
ikaw lang ang katuturan.
Simoy ng hangin
Kay lamyos ng dampi
Wari'y bumubulong sa akin di'y may
pagtingin.
O sinta iyong pagbigyan
Ako'y iyong tignan
Gusto mong ibulalas
Sa aki'y ipamalas
Hampas ng yong hagupit
Nais kong makamit.
Gagawin lahat makuha lang puso mong marikit.
Sa bawat agos mong walang patid
Sa huli'y aking nabatid
Nagmistulang anino lang rin.
Sa dilim ako'y iiwan rin.

BINABASA MO ANG
COLLAGE (Random)
RandomListahan ng emosyon. Imahe ng mga ala-ala. Sulat ng mga sawi. Koleksyon ng mga istorya.