Minsan talaga kapag nagmamahal tayo nabubulagan tayo sa mga nasa paligid natin, yung tipong nakahain na sayo lahat ng mali hanggat hawak mo yung taong yun para sayo nasa tama ka. Sa sobrang pagmamahal natin nagmimistula na tayong gago at tanga sa paningin ng iba pero okay lang basta nandiyan siya.
Have you ever wondered why?
Para sakin siguro kasi unang una psychologically speaking, We feel alone. When someone suddenly comes in your life at the very point na malungkot ka, may pinagdadaanan at walang makasama sa oras na kailangan mo ng taong andiyan para sayo nagagawa mong dumipende sa taong dadating sayo. Pakiramdam mo , swerte ka dahil dumating siya sayo. Pakiramdam mo biyaya siya sayo , na akala mo destiny na nagkatagpo kayo at pinagtapat ng pagkakataon para sa isa't isa.
Have you ever asked yourself?
Kung wala kang pinagdadaanan at di ka malungkot, mapapansin mo kaya siya? Makukuha kaya niya ang atensiyon mo gayong masaya ka na ?
Sometimes , it's all about dependency. Dumidipende tayo sa tao out of our anger sa mundo, ginagawa natin silang lakas, ginagawang pedestal kumbaga. We feel secured as long as we have someone to be there beside us. If it not were for them nasaan kaya tayo ngayon?
Love makes us stronger but it makes us weaker at the same time. Sabi nga lagi ng mga kalaban sa movie , " Yung pagmamahal mo ang papatay sayo " kasi nga sila yung weakness natin. Pero bandang huli saan nga ba nagtatapos ? Diba sa Happy Ending ? We end up in our lover's arms. Love conquers all by the way. Kaya lang ang hirap nung sa sobrang bulag natin sa pagmamahal na yun , hindi mo ba naiisip na may mga nasasagasaan ka na? including the ones who love you the most? Well, dahil nga bulag ka na masasabi mo nalang " I just don't care at all ".
Basta for me,
Love is like handing someone a gun, having them point it at your heart and trusting them never to pull the trigger.
.
Para sakin, when you love you must be AWARE of what you see and what others may feel. Hindi naman kayo mabubuhay ng dalawa lang kayo. We still need others. Mas masarap sa feeling yung habang nagmamahalan kayo merong ibang sumusuporta at nakikita kayong going stronger pero alam mo bang mas masarap sa feeling yung habang you're going stronger , you're also GROWING UP together specifically it's about maturity. Hindi lang dahil sa love na meron kayo kundi dahil din naggo-grow up kayo as a better person. Yung feeling na sa bawat takbo ng panahon may natututunan kayo, araw-araw may natutuklasan sa isa't isa na habang nakikita ng iba na you're looking good for each other mas maaccept kayo ng society . Maging mabuting ehemplo at aral sa iba. Yung masasabi nilang HEALTHY kayo sa isa't isa.
A/N: Random thoughts lang :)
BINABASA MO ANG
COLLAGE (Random)
RandomListahan ng emosyon. Imahe ng mga ala-ala. Sulat ng mga sawi. Koleksyon ng mga istorya.
