Akala ko. ( O.S)

218 6 0
                                        

Marami akong hinanakit sa buhay. Mula pagkabata ko kinaiingitan ko na ang kuya ko, siya yung laging magaling , siya yung laging mataas, siya yung favorite one. Hinahayaan ako sa isang tabi kasi kaya ko naman daw ang sarili ko .

Ako? Ako lang naman si Miguel . Malakas sa paningin ng iba pero kapag mag-isa nalang ako maloloko ko pa ba sarili ko? Nabuhay na ata kong dinidipende ang sarili sa iba. Kumukuha ng lakas sa pamamagitan ng paghingi ng atensyon mula sa mga kaibigan ko at sa taong mahal ko. I've loved someone , akala ko nga siya na. Nagsawa siya. Napagod. Ang pinakamasakit pa, malalaman ko nalang gf na siya ng kuya ko. Tinanggap ko lahat, anu bang karapatan ko? Masisisi ko ba ang mga tao ? O ang mismong sarili ko? Ito lang ako e.

Pagkatapos ng lahat ng yun. Sinimulan ko na namang makuntento mag-isa at humugot ng maraming pampalubag loob gamit ang yosi at alak. Paminsan minsan damo o bato. Masisisi mo ba ko? Sila lang ang karamay ko.

Akala ko, wala ng taong tatanggap pa sakin. Not until i met her. I stopped everything what i used to do. Ang saya saya ko. Binigay niya ang lahat sakin. Bahay, material things, luho ko , atensiyon ultimo nga bisyo ko binigay niya din. Ni sa hinagap ko , hindi ko hiniling na pati puso niya ibibigay niya. I left clueless. Hindi ko alam kung paano susuklian yun. Mahal ko siya pero magiging unfair ako kung sasabihin kung mahal ko siya pero madaming pero. Hindi ako handa. No, hindi ko alam kung kaya ko. It's not that mahirap siyang mahalin. She has everything that every man's wishing for. I just can't. I really can't.

Bakit ganun? Akala ko kahit ito lang ako, maiintindihan niya pero gumuho ang mundo ko nung sinabi niyang " Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko, it's better for us to just let each other go". Sa sama ng loob ko, hindi ko siya pinigilan, hindi ko na din inintindi pa kung anong mga dahilan niya. I just let it passed . People just come and go. What more should i expect?

Back to normal na naman ako. Bato at damo na naman karamay ko. Masaya na naman ang mundo ko dahil nakikita ko silang pinapansin ako.

" Tangina mong bata ka! Kailan ka ba titino? Kapag wala na kami ng papa mo? ".

" Bro, pasaway ka . Hindi ka marunong makinig."

" Migs, tama na yan! wag mo sirain ang sarili mo".

Hahaha! Sino ba sila? Alam ba nila pinagdadaanan ko?

Time passed. Weather's changed.

Akala ko naman habang buhay nakong mag-iisa. Hindi pala! I met the best girl in town. We have so many things in common. Alam na alam niya kung paano sakyan ang trip ko, alam niya ang mga gusto ko, alam niya kung paano ako pasasayahin. Wala na kong mahihiling pa. Siya lang ang taong naging komportable akong ipakilala ang buong pagkatao ko. Nahuli niya din ang puso kong matagal kong binuro. Tama! Sa kaniya nalang iikot ang mundo ko, siya na ang babaeng makakapagpabago ng pananaw ko sa buhay.

Haynaku! pero pakielamero talaga mga tao, Bakit parang ayaw nila kong maging masaya? Everyone's saying that i loved a wrong person. How can i say it's wrong when it feels so right. Haha. I don't mind them. I just don't care at all.

" Dhie. I took our plane ticket to Singapore. I must've wore the sexiest dress " . And she smiled. God, kill me she's the prettiest smile i've ever seen.

"Dhie. I bought the fastest and coolest car ever! " and she smiled. I died a little.

"Dhie. How about taking me to Paris? Sabi nila nandun daw yung pinakamagandang Disneyland." And she smiled. I kissed her on the lips.

" Dhie. I want you to stay on the house. No friends. Just YOU and ME. " And she smiled . I took her to heaven.

Sinunod ko lahat ng gusto niya ng walang second thoughts. Naging sunud sunuran lang ako sa gusto niya.

COLLAGE (Random)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon