Una. Pangalawa. Pangatlo. Mali. Ito palang. Ito palang ang unang araw na ibibigay ko ang lahat, na kaya kong ipagsigawang mahal kita. Na mismong galing sa bibig ko mamumutawi ang tinig na alam ko magugustuhan mo rin at uulit uliting gustuhing marinig.
Asahan mo na ito din ang unang pagkakataon na tinig mo lang ang gusto kong marinig. Unang tibok, unang silay , unang sakit, unang sarap , unang pighati at unang pagmamahal na sayo ko lang gustong maramdaman. Ngunit kelan mo ba masasabing una? Kung naramdaman mo na yung umpisa? Kelan mo masasabi na ngayon palang? Kung natuto ka na sa noon? Paano mo masasabi na ito na talaga? Kung nasambit mo na ang salitang ayoko na? Paulit ulit nalang.Wag mo akong lokohin o di kaya'y utuin. Isa ito sa isang libo't labimpu't isang beses na sinabi mong "Siya na talaga".
Pero nagmahal ka ulit.
Nagparaya.
Nagtiis.
Nasaktan.Nasaan ka ngayon? Nagmamahal muli.
Kinikilig.
Nagdiriwang.
Ngumingiti.
Tumatalon sa tuwa.Ang saya sa pakiramdam na magmamahal ka kasi walang alinlangan, walang halong pagdududa, walang salimuot ng pagkukunwari , walang mga tanong ng bakit at paano , walang kasamang pait ng nakaraan . As in wala! Masaya ka lang. Kahit maraming pagsubok, nakangiti ka lang na para bang nagsisilbing inspirasyon mo ang mga halik at yakap niya, ang pag-ngiti niya ,yung maliliit na gestures niya. In short, sa simpleng ganun BUO ka. Buong-buo ka. Kuntento ka.
May mga bagay talaga na akala mo huli na, tama na kasi masakit na. Pagsubok lang pala talaga yun para mas maging malakas ka. Paraan lang pala yun para mas mahanap mo kung ano yung nararapat na para sa'yo talaga. Yung masasabi mong natuto ka na, kaya mo na kahit ano pang dumating kasi dumaan ka na sa salitang "Nadapa ka pero bumangon ka".

BINABASA MO ANG
COLLAGE (Random)
AcakListahan ng emosyon. Imahe ng mga ala-ala. Sulat ng mga sawi. Koleksyon ng mga istorya.