Chapter 2

132 12 15
                                    

Nagising ako ng 6:00 3 hours lang ang tulog ko pero kailangan ko ng bumangon para mag luto ng almusal nila mama. I mean Mam. Pag baba ko sinalubong agad ako ng isang malutong sampal galing sa akin ina.

" Ang tagal mong gumising! Malalate na kami samantalang ikaw natutulog parin?! Aba! Napaka tamad mo talaga no?! Hindi ka na natuto! " hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit at dinala sa kusina.

" Mag luto ka! Napaka tamad mo! Mag kakaroon na nga lang ako ng anak yung napaka tamad at napaka samang ugali pa na katulad mo! Walang kwenta!" Sigaw niya.

Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon para akong sinasaksak ng isang libong beses. I'm not good enough? Still lazy? Kung ganon kailangan ko pa palang mag trabaho para para lang maipakita sa kanya na masipag ako.

Agad akong nag luto ng makakain NILA. Hindi ako dapat kumain habang kumakain sila. Labag iyon sa rules ko. Isa lang naman akong katulong dito eh.

Hinanda ko na ang mga pag kain. Kumain sila habang tumatawa dahil sa mga kwento ni ate monique sa kanyang eskwelahan. Pinilit kong mag trabaho para naman parehas kami ng school ng ate ko. Akala ko magiging masaya siya pero hindi. Mas lalo lang siyang nagalit.

Naiingit ako habang nakikita silang tumatawa at nag sasaya. Naiingit ako kay ate monique kasi mahal siya ng mga magulang namin. Mahal lahat ng tao. Nararanasan niya kung paano pahalagahan. May matatawag siyang pamilya na gagabay sa kanya. May inang yayakap sa kanya tuwing nalulungkot siya... Ama na po-protekta sa kanya.

Naiingit ako kasi... Natatawag siyang 'ANAK' ni mama. Na naipagmamalaki siya ni mama. Nasa kanya na ang lahat hindi niya lang yun matanggap. Gusto kasi niya na kaingitan siya nang lahat. Kahit na nasa kanya na ang lahat. Makuntento lang sana siya.

Nabalik ako sa katinuan nang biglang may tumalsik na baso sa akin. Natamaan nito ang kaliwang braso ko.

" Tulala ka?! Ang tamad mo talaga! Aalis na kami linisin mo na itong kalat!" Sigaw ni mama.

Agad akong tumango, pinulot ang baso at lininis ang pinag kainan nila. Kumain na din ako. At pumasok sa paaralan. Hindi ko nakita si Dylan dahil nasa classroom pa siguro siya.

Late na rin kasi ako nakapasok kaya sa next subject na lang ako papasok para hindi ako malate. Bago ako pumasok dumaan muna ako sa classroom nila Dylan. Sakto namang lumalabas na ang mga estudyante kaya nag tanong ako sa isang babaeng nerd.

Siya ang tinanong ko kasi kung sa iba baka mandiri lang sila sa akin.

" Hmm? Hindi siya pumasok eh baka may pinuntahan." Sabi niya at nag madaling umalis sa harapan ko.

Hindi ko naman siya masisisi dahil kapag nag tagal pa siya kausapin ako magagalit sa kanya si Monique at bu-bullyhin din siya.

Nasaan kaya si Dylan? Bakit kaya hindi siya pimasok? Nag punta na lang ako sa next subject ko. Gusto kong matulog kaso sayang naman ang binabayaran kong tuitionfee kung matutulog lang ako. Napaka hirap pa namang kumita ng pera.

Nang matapos ang klase nakita ko si Dylan na malapad ang ngiti. Nilapitan ko siya.

" Dylan!" Sigaw ko sa pangalan niya. Tumingin siya sa akin at niyakap ako.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

" Woah! Ganon mo ba ako namiss?" Natatawa kong tanong.

" Hahaha. Hindi! Raine! Alam mo ba meron akong nagustuhang babae at nakausap ko lang siya kanina." Nakangiting pahayag niya. Nawala ang pag asang namumuo sa puso ko. Akala ko ako ang dahilan kung bakit siya masaya.

Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis. Tinignan ko siya habang nag lalakad palayo.

Sometimes you made me feel like we're friends..

Sometimes you made me feel like we're more than friends..

And sometimes you made feel like I'm just a stranger to you..

***

Pag katapos ng trabaho ko pumunta na ako sa bahay. Pagod na pagod ako. Pag pasok ko tahimik ang buong bahay at madilim ang paligid. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko ang mga boteng naka-kalat sa sahig.

Bigla aking kinabahan. Mangyayari nanaman siguro ULIT.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko ang inaasahan ko. Nakita ko si mama na umiinom ng alak.

" M-Ma.. Tama na po yan lasing na kayo eh." Sabi ko kay mama.

"Sh-Shinong.... *hik* ... Nag shabing lashing akooooo... * Hik* teka! Kamukha mo yung demonyo kong anak ah... Tama... Kamukha mo yung babaeng yun... Si... *hik*... Ano nga ulit pangalan nun?" Sabi niya. Para namang nadurog ang puso ko ng sinabi niya yun.

" Wala kang kwenta! Kung... Kung.. Hindi dahil sayo! Dahil sa inyo ng demonyo mong ama! Mas maganda sana ang buhay ko!!" Sabi niya sinampal ako. Sinampal niya ako ng paulit-ulit.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang aking step dad.

" Anong nangyayari dito?! Chain?! Anong nangyari sayo?! Bakit nag lalasing?! At ikaw! Bakit mo siya hinayaan?! May masama ka sigurong balak sa kanya no?!" Galit na galit na sigaw sa akin ni tito Romeo ang aking step dad.

" W-Wala po akong ginagawa---" naputol ang sasabihin ko ng biglang lumabas ang umiiyak na si Monique.

" D-Dad nakita ko po s-si loraine na nilagyan ng gamot ang inumin ni mama. Nakita ko nga po siya sasampalin dapat si mama." Umiiyak na sabi ni Monique.

" H-Hindi po iyon.."

" Anong hindi?! Sinasabi mo bang sinungaling ang anak ko?! Hindi siya katulad mo!" Sabi niya at sinampal ako.

Sinuntok niya ako sa tyan kaya naman napahiga ako sa sahig. Saka niya ako sinapa-sipa. Masakit pero tiniis ko dahil alam kong kapag umiyak ako mas lalo niya lang lalakasan ang sipa niya...

Nang mapagod na siya kinuha niya si mama at inakyat sa kwarto niya. Blurred na ang matako sa sobrang sipa. Pero bago tuluyang mag dilim ang paningin ko nakita ko pang nag smirk si Monique at biglang umalis. Pagkatapos dilim na lang ang nakita ko...


Nagising ako sa isang malamig na sahig. Tinignan ko ang oras. 4 am na pala. Wala man lang nag abalang dalhin ako sa kwarto ko kahit na nawalan na ako ng malay. Sinubakan kong tumayo kaya lang biglang sumakit ng sobrang ang paa ko kaya naman muntik na akong mapasigaw.

Buti at natakpan ko ang bibig ko. Gumapang na lang ako papuntang kwarto ko at natulog...

---------

Just because I am strong enough to handle the pain it doesn't mean that I deserve it.  





My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon