Chapter 20

82 8 10
                                    

Jason's POV

Sa pangalawang pagkakataon natawa nanaman ako sa ginagawa NIYA. Ibinaba niya ang phone at huminga ng malalim. Nakitang kong pinagpapawisan na siya. Hahaha! Ilang oras na siyang nagda-dalawang isip kung tatawagan niya ba si Loraine ata yun o hindi.

Ang tindi naman ng apekto ng babaeng iyon sa kanya haays.

"Dude tatawag ka ba o hindi?" Tanong ko.

"Just give me a minute." Sabi niya.

"Kailan ka ba magtatagalog? Uso ang nosebleed dito noh. tagal tagal mo na rito sa pinas hindi ka parin natutuo. Tsk tsk tsk." Umiiling na sabi ko.

"Shut up." Malamig na sabi niya. Kahit kailan talaga napaka lamig niya.

Kinuha niya yung phone KO at sa pangatlong pagkakataon nag dial ulit siya ng numero. Ibang klase talaga ang lalaking toh phone ko talaga ang ginamit! hindi niya ba alam na nakakatamad ang lumabas at magpaload? Tsk.

At isa pa sa gwapo kong toh mahirap na baka dumugin ako ng mga babae.

lumapit ako sa kanya at nilapit ang tenga ko sa phone para makinig din sa usapan nila.

[ Ahhhmm hello?] Tanong ng babae sa kabilang linya. Hindi kaagad nakasagot itong kumag na katabi ko. Natulala ata haha.

[Ahhmm hello? Sino toh?] Tanong ulit niya. Nakitang kong hindi ulit sasagot ang kumag kaya naman nag salita na ako. Masasayang lang ang load ko noh.

"Dude Magsalita ka na kasi" Sabi ko.

"Shut up!" Sabi naman niya.

" Dude kung hindi ka magsasalita mauubos ang load ko." Sabi ko ulit.

" just shut up!" naiinis na sabi niya.

Haays! kung ayaw niya talagang mag salita ng maayos ehh mapipilitan akong kunin sa kanya ang phone ko.

"Ahhhmm Hello.. I just wanna--" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at inagaw sa kanya ang phone.

" Damn! Give it back!" Sigaw niya ng inagaw ko kukunin niya na dapat sa kamay ko pero agad akong tumakbo.

"Dude mukha namang wala kang balak mag salita ng maayos ehh ako na bahala dito" Sabi ko habang tumakbo. Lumabas ako ng office at hinarang siya ng mga babaeng fans niya. Haays! mahirap talaga kapag swerte ka.

"Damn it!" pahabol niyang sigaw.

Tumakbo ako papuntang park na meron dito sa greeniya University umakyat ako sa puno ng park at umupo sa malaking sanga.

[ Hello? Bakit ka ba napatawag at sino ka?] Tanong ulit ni Loraine.

"Hello! Ako nga pala si Jason. Narinig ko kasing nakapasa ka sa entrance exam dito sa Greeniya University. Nalaman namin na nagregister ka bilang scholar. At sa katunayan ay nakapasa ka naman sa exam ehh pwede ka nang pumasok dito." Masaya kong sabi.

[G-Ganun ba? Ilan po ba ang nakuha ko sa exam?] tanong niya.

Nakita ko si Kumag na naglalakad papunta sa akin. Nang makalapit na siya umakyat siya sa puno na kinakaupuan ko at nakiupo sa tabi ko. Ang cold ng aura niya. Dahil siguro sa mga babae kanina hahaha!

" Ahhhm hundred! Hahaha natuwa nga kami dahil first time na may naka perfect sa entrance exam namin. At pasensya ka na din sa gulo kanina ahh mukha kasing natulala si--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita yung katabi ko.

"Shut up!" malamig at galit na sabi niya. Nakakatakot ang aura niya.

"okay okay relax hahaha. Ehem! Sorry ulit anyway free ka ba ngayon? Kailangan mo kasing pumunta dito dahil may sasabihin kami sa iyo." sabi ko ulit

My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon