Chapter 5

96 9 7
                                    

Nagising ako sa isang malambot na higaan. Nakita kong may nakabalot na kumot sa akin. Meron ding kung anong basang bagay na nasa noo ko. Pag tingin ko bimpo.

Napangiti ako. Hindi naman masamang umasang si Mama ang nag dala sa akin dito sa kwarto ko diba? Hindi naman masamang umasa na mahal niya na ako. O kahit hindi. Basta nagkaroon lang siya ng konti kahit onti lang. Onting pakialam sa tulad ko.

 Biglang bumukas ang pintuan. At niluwa non si Nay Linda. Bumagsak ang pag asang namumuo sa puso ko na si mama iyon. Na sa wakas ay may pakialam na rin siya sa akin...

Pumunta sa pwesto ko si Nay Linda na may nagaalalang mukha.

" Nay Linda..." Mahina kong sabi at pilit na ngumiti sa kanya.

" Jusko! Nawala lang ako saglit nakita na kitang duguan at walang malay sa sala! Biruin mo alasdos na ako dumating ni hindi ka man lang nila inasikaso! Dinadaan-daanan ka lang nila! Akala mo naman walang batang nakahiga doon at duguan! Nako Raine! Muntik na akong atakihin sa puso ng makita kita sa ganong kalagayan! " mahabang sabi ni Nay Linda na halatang nag aalala.

"Okay lang po ako." Mahina kong sabi.

" Okay? Okay?! Juskong bata ka! Duguan yang ulo mo tapos okay?! Ano na lang ba ang basehan mo nang okay?! Yung duguan ka na okay pa din?! Paano kung hindi ka na okay?! Yung halos mamatay ka na yun lang yung hindi okay?! Juskong bata ka." Sabi ni manang. Kahit na pasigaw halata pa rin sa mga mata niya ang pag aalala

" S-Sanay na ako manang." Mahina kong bulong. Pero dahil nga kami lang ang nasa kwarto narinig niya. Natigilan naman siya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

" huwag kang mag alala. Matatanggap ka niya. May awa ang panginoon." Sabi ni Nay Linda.

Napangiti ako. Opo Nay Linda. Alam ko. May awa ang Panginoon.

****

Dalawang araw akong hindi pumasok para gumaling ang sugat ko sa ulo. Maaga akong pumasok dahil alam kong namiss ako ni Dylan...

Pag dating ko sa school nakita ko nanaman ang kakaibang ngiti ni Dylan. Tinawag ko siya. Agad din naman siyang tumingin sa akin na may excitement. Sabi ko na nga ba at namiss niya ako eh.

Pero... Nang makita niya ako agad na pawi ang ngiti sa labi niya. Dissapointment is written all over his face. And that made me sad

"Dylan! Namiss mo ba ako?" Sweet kong sabi.

" Huh? Umalis ka pala?! Sorry hindi ko na pansin." Cold na sabi niya.

" Eto naman siguro marami ka lang din ginagawa kaya hindi mo ako naalala. Hahaha." Tawa ko.

" Tss. Sabihin mo. Hindi talaga kita naalala. Sino ba namang makakaalala sa isang ba--" hindi niya na tapos ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at umalis.

Sinundan ko siya.

" Ano? Bakit ko naman yun gagawin? Haist.. Sige na nga. Basta para sayo. Hahahah" narinig kong tawa ni Dylan. Sino kaya ang kausap niya? Agad akong tumakbo papunta kung saan niya ako iniwan. Ilang segundo pa at bumalik siya.

Bumalik siya ng may ngiti sa labi, Pagkatapos ay bigla niya akong niyakap. Hindi ko masakyan ang mood swing nito!

" Namiss kita Raine! Isang araw ka din na wala ah! Saan ka ba nang galing?" Tanong niya.

" sa totoo lang dalawang araw akong nawala. Nag ka sakit kasi ako." Nakangiti kong sabi.

" Ganon? Sana...." May sinabi pa siya pero hindi ko na iyon naintindihan.

" Hahahahaha! Halika na at pumunta sa classroom." Sabi ko.

***

Nandito ako sa restuarant na pinag ta-trabahuhan ko. Kanina pa ako pagod dahil walang tigil ang costumers. Biglang may pumasok na dalawang babae. Agad akong pumunta sa pwesto nila at sinalubong sila.

"Hello mam. Welcome to--" hindi ko na na tapps ang sasabihin ko dahil sa gulat ng makilala ko kung sino ang dalawang babae.

Si Sheirly at Shaine. Ang dalawang kambal sa alipores ni Monique. Napangisi sila ng makita ang pag ka gulat sa mukha ko.

" Hello Loraine, Miss us? " tanong nilang dalawa.

*Someone pov*

" Tss sabihin mo hindi talaga kita naalala. Sino ka namang makakaalala sa basurang--" bago pa matuloy ni Dylan ang sasabihin niya agad ko siyang tinawagan. Mahirap na. Sa kaunting mali lang niya mawawala ang plano ko.

" Dylan! Diba sinabi ko sayong maging sweet ka sa kanya?! Anong ginagawa mo?! Diba ang sabi ko sayo ay paibigin mo siya?" Sabi ko.

" Ano? Bakit ko naman yun gagawin?"

" Dahil sinabi ko!" Ako.

" Haist... Sige na nga. Basta ikaw. Hahahahahaha."

Nakita ko siyang bumalik kay Raine at niyakap niya ito. Napangisi ako. Mukhang sumasangayon sa akin ang tadhana. Humanda ka Raine.

An dali mong mauto. Ang dali NIYONG mauto. Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo. Ang basura dapat na sa basurahan. Kaya ibabalik kita kung saan ka nararapat. Ang bait ko no? Hahahahahhah.

-----

Rejection doesn't hurt, Expectation does







My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon