Chapter 22

61 7 5
                                    


Basang basa ako ng makauwi ako sa bahay. Sana nandito si nay Linda para mabawasan man lang ang sakit sa dibdib ko pero.. Gustuhin ko mang puntahan siya at sabihin sa kanya ang mga nangyari hindi pwede.

Hindi pwede dahil makakasama iyon para sa kanya. Sabi ng doctor hindi pwedeng mastress si nay linda. Kaya kailangan ng matinding alaga ang puso ni nay Linda.

Umupo ako sa kama pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit. hindi ko alam pero parang gusto ko nalang takasan ang lahat ng ito. parang gusto ko na lang na iwan ang lahat sa ere at magsimula ng bagong buhay.

Habang nagiisip ako biglang dumating si Monique.

"Oh? andito ka parin? Tsk. Hindi ka na talaga natuto. Hindi ka na nagtanda. bakit ba kasi ayaw mong umalis na lang sa buhay ko? Inuto ko na lahat lahat si Dylan para lang gawin yun sayo tapos wala parin? Wala ka paring balak na umalis?" Sabi ni monique habang nakakunot ang kilay.

Ano daw yun? Inuto? Inuto niya lang si Dylan?!

"Ano? Inuto mo lang si Dylan?!" Sigaw ko sa kanya. napataas siya ng isang kilay at nag smirk.

" Oo. Tingin mo ba lahat ng sinabi ko tungkol sayo totoo? hmm. Ano ba ang mga sinabi ko sa kanya para magalit siya sayo at sundin ang inutos ko na kaibiganin ka at saktan ka.. AH! una sinabi ko na lagi kang nagsisinungaling kay mommy. Kaya lagi akong napapahamak. tapos sinabi ko rin na sinet up mo ako na ako ang nag nakaw ng mga alahas ni mommy. Tapos sinabi ko rin na lagi mo akong pinapahirapan. sinabi ko na lahat ng linilinis ko sa dito sa bahay dinudumihan mo tapos ipapalinis mo ulit sa akin. ahhhhm. At marami pang iba! Kaya yun! nagalit siya sayo ng sobra at sinabi niya na gagantihan ka daw niya. " nakangiting sabi niya.

"ANO?! So ibig sabihin nagalit sa akin si Dylan dahil lang sa kasinungalingan mo?! Yun ba yun?!" Sigaw ko. Hindi ako makapaniwala. Nasaktan ako ng sobra dahil lang sa kanya!

" Yeah, pero alam mo kasi.. Kahit hindi ko pa sabihin ang mga kasinungalingan na iyon galit pa rin siya sayo. And I had nothing to do with that. At isa pa may sasabihin ako sayong sekreto. Hindi ko talaga sinabing kaibiganin ka niya at iwan din sa bandang huli. sa totoo ginawa ko lang ang lahat para magalit siya sayo. and then siya na ang nagisip na saktan ka. " naka ngising sabi niya.

"so ibig sabihin ideya niya ang lahat ng yon?" Tanong ko.

"exactly!" Sabi niya.

"Pero kung hindi mo siya sinabihan--" Hindi ko na tapos ang sasabihin ko dahil nag salita na ulit siya.

" Alam mo. Kahit ano pa yan. isa lang ang ibig sabihin ng ginawa namin. Kahit sino pa ang nag simula isa lang din ang ibigsabihin. isa lang loraine. ang ibig sabihin ay ayaw ka namin sa buhay namin. tapos. kaya kung ako sayo umalis ka na sa bahay sa school at sa buhay namin!" Sabi niya at maarteng umalis.

"Siguro nga.. Siguro nga dapat lang. " Sabi ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha galing sa mata ko.

***

[buti na lang at pumayag ka! nako siguradong matutuwa si ugok! hahahaha! sige! sige! Pumunta ka lang dito mamaya ahh.] Masayang sabi ni jason.

" ahh sige." Sabi ko naman.

[ahhm. Okay ka lang?] tanong niya..

"Oo naman hahahahaha! Pagod lang siguro ako! Hahahaha! ang saya saya ko nga ehh hindi biro ang makapasok sa school niyo ah!" Sabi ko habang... umiiyak.

[Ahh sige! halata ngang masaya ka! hahahaha.] sabi niya.

"syempre naman! Sino ba namang hindi noh." sabi ko.

My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon