Chapter 23

82 8 17
                                    

2 a.m na pero hindi parin ako makatulog. Siguro dahil naninibago pa ang katawan ko sa kama ko. nakatingin lang ako sa kisame at nagiisip.

kaya ko bang makipagsabayan dito? I mean lahat ng estudyante dito mayayaman. Buti pa si Mirana mabait. Kanina ang eh walang tigil siya kakadaldal. na kwento niyang boyfriend niya si Jason.

Kanina pa ako papalit-palit ng pwesto sa kama. Nag hahanap ng komportableng pwesto. pero wala talaga! napa bangon ako bigla. Pwede kayang lumabas dito?

Tinignan ko si Mira na mahimbing na natutulog sa kamay niya. Ngayon alam ko na kung bakit naging girlfriend siya ni jason. Hindi naman kasi mapagkakailang NAPAKA ganda ni Mira. Matangos na ilong at straight na straight na buhok.

Tumayo ako sa kama ko at kumuha ng jacket. Naka short at shirt lang ako kaya naman nag jacket na ako sigurado kasing malamig sa labas. nag sombrero na din ako at hinayaang naka lugay ang buhok ko.

Tumingin ako sa salamin. Hmm. Halatang halatasa mata ko ang sakit na pilit kong tinatago. Pinilig ko ang ulo ko at dahan dahang binuksan ang pinto. Nang makalabas na ako tumingin ako sa paligid.

nag lakad ako sa hallway na hindi ko alam kung saan papunta. nag lakad lang ako ng nag lakad. Wala naman sigurong multo dito diba?

Dinala ako ng dalawang paa ko sa.... Park. merong park dito sa loob nang school? Cool.

Pero.. Park nanaman. Kapag nakikita ko ang park hindi ko maiwasang isipin si Dylan.

nag lakad ako papunta sa isang bench at umupo doon.

Napa buntong hininga nalang ako. Kinapa ko ang bulsa ng jacket ko baka andun kasi yung cellphone ko. May nakita akong papel sa jacket ko. ay picture pala. Tinignan ko yung picture. Picture namin ni Dylan sa birthday niya.

Makikita mo sa mga mata namin ang saya. Oo masaya kami noong mg panahon na yan. Pero malay niyo, Nag panggap lang pala siya.

Biglang nag vibrate ang phone ko sa bulsa ng jacket ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag nang ganitong oras. Si Dylan.

Ano nanamang kailangan mo? Hindi pa ba sapat na sinaktan mo na ako ng sobra? Kulang pa ba?

Pinili kong hindi sagutin ang tawag. Pero dahil nga sa tanga ang puso ng tao sinagot ko parin.

"H-Hello?" sabi ko.

[L-Loraine... Sorry. Sorry, I'm so sorry.. Please patawarin mo ako.. Hindi ko talaga sinasadya.. ]Sabi ni Dylan. Base sa boses niya... umiiyak siya. Biglang kumirot ang puso ko. Hindi ko kayang isipin na umiiyak siya.. naramdaman kong may tumulong luha galing sa mata ko.

"Dylan, ano bang sinasabi mo? Lasing ka ba?"

[No.. Loraine.. P-pwede bang magkita tayo? k-Kahit ngayon lang.. Please..] Nahihirapang sabi niya.

Tumingala ako sa langit para pigilan ang tulo ng luha ko. Hindi pwede! Hindi na ako papayag na saktan nanaman niya ako... hindi pa ba sapat na pinakawalan ko na siya?

"Dylan. Ano bang sinasabi mo? Ano bang problema mo? Diba sabi mo na ayaw mo na akong makita? Dylan! Pinakawalan na kita.. Wag mo namang akong pahirapan.. ang sakit sakit pakawalan ang taong mahal mo. Pero suko na ako. tanggap ko na ehh. Ako na ang nagparaya. A-Ako na ang umalis.. Please gawin mo namang madali para sa akin ito.." Sabi ko at binaba ang telepono.

Hindi ko namalayang umiiyak nanaman pala ako. Ano bang kailangan niya? Ang sakit sakit nanaman.

"You okay?" Nagulat ako ng may biglang may magsalita sa likod ko. Pag lingon ko si Raven pala.

"Y-yeah! Bakit naman ako hindi okay? Hahahahahahaha! napuwing lang ako."sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

"You sure?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Oo naman! haahaha! ano nga pala ang ginagawa mo dito? bakit gising ka pa?" pagiiba ko ng usapan.

"I can't sleep. ano problema?" tanong niya. napangiti ako. Sinusubukan nanaman niyang mag tagalog.

"huh? Hahahaha! Ano ka ba? Wala akong problema noh! Hahahaha!" tawa ko nang may tumulo nanamang luha sa mata ko. Nang pupunasan ko na hinawakan niya ang kamay ko.

"It's okay. You can cry on me." sabi niya.

"Hahahaha! Ano ka ba! bakit naman ako iiyak?" tanong ko.

"You know, it's okay. Okay lang ilabas mo ang sakit paminsan minsan. Hindi mo kailangan laging itago." sabi niya.

"hahahaha! I'm okay. I'm perfectly fine! Don't worry. I'll be okay... soon. " Sabi ko sa kanya habang naka ngiti.

" Fine. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talagang sabihin. Basta andito lang ako kapag kailangan mo ako." sabi niya at tumayo.

" hahaha! Ang cute mo mag tagalog! Hahahahaha!" Tawa ko. Bigla naman siyang namula.

Siya ba yung kinakatakutan ng lahat? Mukha naman siyang mabait eh. Mali lang siguro si mira.

****

pagkatapos ng isang subject free time namin. Papunta kami ngayon sa cafeteria kasama ko sina Mira, Jason at Raven. Tahimik lang kami ni Raven habang sila Jason naman kinukulit si Mira.

"Mira! Bilis anong gusto mong kainin? Gusto mo ba ng cake juice oh ano?" tanong ni Jason kay Mira ng makarating kami sa cafeteria.

"Cake na lang babe! Ikaw Raine? anong gusto mo?" tanong sa akin ni Mira.

"ahh cake na lang din." sabi ko.

"Okay! Hm! jason ikaw na bahala sa order namin ah! Upo na kami kapagod kasing maglakad ehh." sabi ni Mira kay Jason.

"Okay babe!" sabi ni Jason at bumili na nang mga cake. tinignan ko si Raven nagulat ako kasi nakatingin siya sa akin kaya naman nag iwas agad ako ng tingin.

Hanggang sa maka upo kami ni Mira ramdam ko parin ang tingin niya sa akin. Kaya naman hindi ako mapakali. Ano bang problema niya?

------

Sometimes love means letting go when you want to hold on tighter.



My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon