Chapter 13

89 10 6
                                    

*Dylan's POV*

Nasan na ba yung babaeng yun? himala ata at hindi siya nagpunta ng rooftop? Nasanay na kasi ako na lagi siyang pumupuntang rooftop para bisitahin ako. Anong oras na ba? Tinignan ko ang wrist ko para tignan kung anong oras na pero dahil maswerte ako hindi ko dala ang relo ko.

May nakita akong kumpol ng mga babae lumapit ako doon para mag tanong kung anong oras na pero imbis na oras ang isagot sa akin tili ang sinagot nila. Ibang klase talaga kapag hearthrob ka.


Pumunta ako sa canteen dahil baka nandoon siya at hindi nga ako nagkamali nandoon siya. Anong ginagawa niya dito? Alam naman niyang dilikado sa kanya dahil sa mga galit na estudyante sa kanya.

Tumayo ako doon at pinagmasdan siya habang kumakain. Biglang pumasok si Monique at natalisod. Nagulat ako dahil sinisi siya ng mga kaibigan ni monique. Pero kitang kita ko na sadyang nadapa si Monique.

Biglang umingay ang paligid at nagsimula na siyang batuhin ng pagkain. Bakit hindi siya tumakbo? Nakatayo lang siya doon na Para bang hinihintay na saklolohan siya. May nakita akong babaeng pumulot ng bato at itinapon kay Loraine. Nagulat ako. Okay sana kung pagkain lang pero bakit pati bato?

Tumingin siya sa paligid at nang makita niya ako ngumiti siya. Ang ngiti niya ay para bang nagsasabi nang 'Okay lang ako' okay ba siya niyan? May dugo na ang ulo niya okay parin? Nakita kong parang nahihilo na siya kaya dali-dali kong sinigaw ang 'Tama na' at tumakbo papunta sa kanya.

Bago pa siya mahulog nasalo ko na siya at nag Sorry. Kasalanan ko kung bakit siya nagkaganto. Tumahimik ang lahat at naagsimula na akong tumakbo papuntang clinic.

***

Pag dating ko sa clinic nagulat ang nurse dahil sa itsura ni Loraine. Puno ng awa ang mata niya. Ilang beses na din kasing pumunta dito si Loraine dahil sa mga galit na estudyante.

" Ano na naman ba ang nangyari?" Sabi ng nurse habang nililinis ang sugat sa ulo ni Loraine.

" Mga galit na estudyante." Sagot ko.

" Ano pa bang pinagbago? Lagi namang ganon. Bat ba napaka sama ng tao dito sa batang ito? Lagi na lang siyang niloloko at sinasaktan. Hayyys buti na lang at nandyan ka kung hindi matagal ng oatay ang batang ito. " sabi nang nurse habang umiiling iling.

Kung alam niya kayang sinasaktan at sasaktan ko din si Loraine anong gagawin niya sakin? Gustuhin ko mang iti-- hindi. Hindi pwede. Sorry Loraine pero kailangan ko itong ipagpatuloy..

*Loraine's POV*

Ahhh ang sakit ng ulo ko.. Nasan ba ako? Puro puti na lang ang nakikita ko.. Teka nasa clinic nanaman ba ako?

" Oo nasa clinic ka nanaman. Ano nanaman bang nangyari?" Tanong ng nurse.

" Na-Na tapilok po ako.. " sabi ko. Ayoko paring magalit sila kay Monique.

Gusto ko ako lang ang magsabi sa kanya ng mga ginagawa niya ayokong malaman oa iyon ng ibang tao. Mas lalong liliit ang chance na magkabati kaming dalawa. Kahit na gaano siya kasama sa akin ngayon... Kapatid ko parin siya kaya hindi ko kayang makita siyang na sasaktan.

Kahit ako nalang ang masaktan wag lang siya. Hindi niya kakayanin ang mga hirap na pinagdadaanan ko. Kilala ko si Monique sanay siya sa masaya at madaling buhay. Kapag nagpalit kami ng pwesto at sa kanya galit ang mga tao.. Hindi niya kakayanin.

" ehem!" Ubo ng nurse na si Dona.

" H-Huh? Bakit? " tanong ko. Patuloy

" Anong bakit? Kanina pa ako salita ng salita hindi ka pala nakikinig. Ang sabi ko anong nangayare? Imposible namang nadapa ka ehh ang dumi dumi ng damit po at bakit nasugatan ka sa ulo na parang kagagawan ng bato? Aber?" Mataray na tanong niya.

"Mahabang kwento ehh. At isa pa late na ako paalam na salamat ulit." Sabi ko at tumakbo na palabas.

" Aba?! Teka saglit! Sabihin mo muna! Loraine! LORAINE!" Rinig ko pa ang sigaw niya kahit malayo nanako. Nakakatuwa talaga siya. Maalaga maganda at mabait. Ang swerte ng lalaking mamahalin niya.

Naoangiti ako ng maalala kong si Dylan ang nag dala sa akin sa Clinic. Ibig sabihin ba nun ay may pakialam na siya sa akin? Or naawa lang siya sa akin? Pero kahit na. Hindi ako mawawalan ng pagaasang balang araw mamahalin niya ako higit pa sa pagmamahal niya kay Monique at higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.

Pero sana... Bago mangyari ang araw na iyon... Hindi pa ako sumusuko.. Sana kaya ko pang lumaban. Ano ba itong iniisip ko? Diba nga kakayanin ko kahit mahirap? Kahit gaano ka sakit? Hahaha. Kakayanin ko ito..

" Ayos ka na pala. " cold na sabi ni Dylan. Hindi ko napansing nasa harap ko na siya. nandito kami sa gitna ng hallway.

" A-Ahh O-Oo ayos na ako. Salamat nga pala dahil..." Hindi pa ako tapos magsalita ay nagsalita na agad siya.

" huwag mo akong pasalamatan. Ginawa ko iyon para lang sa reputasyon ko. At para hindi ako mapasama sa mga ipapatawag ng principal mamaya." Cold na sabi niya. Walang emosyong makikita sa mukha niya habang yung mukha ko naman ay mababakasan ng sakit. Pinilit kong ngumiti kahit nsasaktan na ako.

Ako lang ba o namamalikmata lang ako ng makita ko ang sakit sa mga mata niya?

"O-ohh." Wala na akong masabi aiguro nasaktan lang ako ng sobra dahil wala pala siyang pakialam sa akin..

"At isa pa wag ka ngang mahina! Lakasan mo yang katawan mo! Hindi yung papayagan mo lang na may manakit sayo! Ang hina mo kanina! Akala ko malakas ka? Nakuha mo nga akong ipaglaban kahit wala ka nang pagasa eh yung sarili mo? Bakit hindi mo kayang ipagtanggol?! " nagulat ako sa biglang pag sigaw niya yung kaninang sakit na nakita ko sa nga mata niya ay napalitan ng galit.

" D-Dahil alam ko na kapag lumaban ako mas lalo lang silang magagalit. Kaya okay na na masaktan ako dahil alam kong kapag galit ang isang tao makakasakit sila ng walang kinalaman sa dahilan ng galit nila. Pinili kong manahimik kesa makasakit pa sila ng iba. Mas mabuti nang ako na lang." Nakayuko kong sabi.

" A-Ahh mahina ka.. Masyado mong inaalala ang iba! Walang mangayayari sa buhay mo kung patuloy mo laaang iintindihan ang iba. Mas mabuti nang maging makasarili kesa naman halos magpakamatay ka na kakaintindi mo sa iba. " sabi niya at umalis na.

----------

'Oh' another word for I'm hurt..






My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon