Chapter 7

95 9 5
                                    

Hindi nanaman ako pumasok ng dalawang araw dahil sa sakit ng katawan ko. Hindi ko talaga kinaya ang sakit ng katawan ko kaya naman hindi na ako pumasok.

kaya ngayong nabawasan na ang sakit ng katawan ko. Ready na akong pumasok. Excited na din naman akong pumasok eh. Para makita ang inspirasyon ko sa buhay. Ang tanging taong nagbibigay ng lakas sa akin para hindi sumuko sa hirap ng buhay.

Haist.. Habang nagla-lakad ako papuntang school meron akong nakitang babae. May kasama siyang dalawang bata. Dalawang batang babae. Yung isang batang naka ponytail ang buhok nakahawak ang kamay sa kapatid niya. At ang kapatid naman niya ay nakahawak sa nanay niya.

Napangiti ako ng mapait. Okay lang sana sa akin kung hindi ako tanggap ng nanay ko. Basta tannggap ako ng kapatid ko... Kaso hindi eh. Walang may tanggap sa akin.

" Mommy mommy! Gusto po Chanderia mag swimming. " napatingin ulit ako sa mag-ina sa kabilang kalsada.

"Gusto mo Chanderia?" Tanong ng nanay niya sa isa pang bata.

" Opo mommy gusto ko! Basta kasama si ate! Hihihi! Magiging masaya po iyon mommy!" Sabi naman ng bata.

Napangiti nanaman ako... Mukhang masaya sila. Sana naranasan ko rin yan nung bata ako.

Biglang may dumaan na isang malaking truck sa harapan ko kaya naman nahimasmasan ako. Agad kong tinignan ang relo ko at tinignan kung anong oras na. Nanlaki ang mata ko ng makita kong late na ako sa klase ko.

Agad akong tumakbo papuntang school.

****

Hinahanap ko ngayon si Dylan. Hindi nanaman kasi ako nakapasok kahapon kaya baka hinahanap niya ako. Halos nalibot ko na ang buong school hindi ko parin siya mahanap. Umupo muna ako sa lilim ng isang malaking puno.

Huminga ako ng malalim. Napagod ako ah! Naipikit ko ang mga mata ko at dinama ang simoy ng hangin hanggang sa nakatulog na ako.


" Basta! Kailangan mo lang ipagpatuloy ang plano. "

" Bakit ba? Alam mo ba kung gaano kahirap makipag kaibigan dun sa babaeng yun? Napaka... Napaka ewan!"

Nagising ako dahil sa may narinig akong boses. Agad akong umayos ng upo at tumayo. Hinanap ko ang pinagmu-mulan ng ingay. Nakita ko si Dylan at Monique. Nag tago ako at nakinig sa usapan nila.

" Nagawa mo na diba? Bat hindi mo pa ipagpa-tuloy?" Sabi ni Monique.

" Na ano? Paibigin siya? Alam mo Monique ikaw lang ang mahal ko! At hindi siya! Wala akong pakialam sa kanya! Monique.." Para naman tinusok ng isang libong nakarayum ang puso ko.. So ang babaeng mahal niya ay ang kapatid ko? Ang sakit... Ang sakit sakit..

" Mapapasayo ako kung susundin mo ang plano natin. " nakangising sabi ni Monique. What plan?

"Sige itutuloy ko ang plano. " sabi ni Dylan.

" Good maasahan ka naman pala... By the way wag na wag mong masasabi toh sa iba sa ating dalawa lang ito maliwanag?" Mataray na tanong ni Monique.

" Oo. Pero Monique yung pangako mo.. Magiging tayo kapag nagawa ko ang plano. Pero bakit ba galit na galit ka kay R---" hindi na tapos ang sasabihin ni Dylan dahil nag salita ulit si Monique

"Wala ka nang pakialam dun. Basta gawin mo na ang plano. Yun lang naman ang pakinabang mo. " walang pakialam na sabi ni Monique.

" P-pero Monique mahal na mahal kita! Tapos sasabihin mong wala akong pakinabang?" May halong hinnanakit na sabi ni Dylan.

" Alam mo Dylan kawawa ka. Ang gwapo mo pa naman pero naghahabol ka? Pero wag ka magalala matututuhan din naman kitang mahalin." Wala paring pakialam na sabi ni Monique.

" Talaga? Gagawin ko ang lahat para matutunan mo rin akong mahalin.." Nakangitig sabi ni Dylan.

" Whatever. Sige na aalis na ako. " sabi ni Monique at naglakad palayo.

Huminga ng malalim si Dylan at umalis. Nang makaalis na siya sa hindi ko malamang dahilan napaupo ako sa sahig.

Napaka sakit na malaman na ang mahal ng taong mahal mo ay ang kapatid mo.. Pero.. Nakikita kong hindi naman mahal ni Monique si Dylan! Bakit mo kailangan magmahal ng taong hindi ka mahal Dylan? Nandito naman ako!

kakausapin ko siya.. Tama! Kakausapin ko siya! Agad akong tumayo at tumakbo. Hinanap ko si Dylan nakita ko siya sa rooftop. Napangiti naman ako...

" Dylan.." Tawag ko sa pangalan niya. Mabilis pa sa alas kwatro lumingon siya sa gawi ko.

" Moni--" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makita ako. Disappointment and  hatred is written all over his face hindi ko iyon pinansin at patuloy na ngumiti.

Nang ngumiti ako napalitan ng coldness ang mga mata niya kaya nawala agad ang ngiti ko.. Biglang kumirot ang puso ko..

" Anong kailangan mo?" Tanong niya..

" May nakapag sabi kasi sa akin na mahal mo ang kapatid ko.." Nakayuko kong sabi.

"Oo, tama ka. Mahal ko nga ang kapatid mo. MAHAL na MAHAL.." Sumakit nanaman ang dibdib ko. Tama bang ipagdiinan niya na mahal niya ang kapatid ko?

" N-Nakikita k-ko kasing h-hindi ka mahal ng kapatid ko kaya naman nandito ako para... Para sabihin sa iyong--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

" Ano? Sasabihin mong? Hindi ko dapat mahalin ang kapatid mo?! Wala kang karapatang sabihin na hindi niya ako mahal!! Matututunan niya rin akong mahalin! At wag na wag kang hahadlang sa amin dahil baka ikaw patulan ko rin MAHAL na MAHAL ko si Monique Loraine. At haggang kaibigan lang ang maibibigay ko sayo. Buti nga at kinaibigan pa kita. " cold na sabi niya at nilagpasan akong... Luhaan..

Ang sakit marinig mula sa bibig ng taong mahal mo na mahal niya ang kapatid mo.

"Buti nga at kinaibigan pa kita.."

"Buti nga at kinaibigan pa kita.."

"Buti nga at kinaibigan pa kita.."

Mas lalong sumakit ang puso ko nang paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang sinabi niya..

Bumagsak ang mga luha sa mata ko na para bang walang bukas.. Bakit ang sakit? Ang sakit sakit na marinig yun galing sa bibig niya... Dylan..

-----

May be one day, I'll be what you need ...

May be one day, you'll love me like the way I loved you..

But don't wait too long...

Because may be the day you want me, may be the day I finally given up..





My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon