Chapter 8

84 10 6
                                    

Nandito ako ngayon sa kusina naglilinis ng mga plato. Hindi ko parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Dylan. Tingin ko kailangan kong kausapin si Monique. Hindi niya dapat saktan si Dylan. Alam ko namang masasaktan lang si Dylan sa kanya.

Pumunta ako sa kwarto ni Monique. Kumatok ako at pumasok. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya.

" Hindi ka rin marunong ng manners noh?" Taas kilay niyang tanong.

" M-Monique nandito ako para sabihin sayong layuan mo na si D-Dylan. " nauutal kong sabi.

" Ano? Lalayuan ko si Dylan? Hahahaha nahihibang ka na ba? Well siguro nga.. Nahihibang ka na.. Sino ba namang hindi kung lahat ng tao sa paligid mo hindi ka tanggap. Hayys kawawa ka naman." Sabi ni Monique at kunyaring naawa.

"L-Layuan mo si Dylan." Matigas ngunit nauutal kong sabi.

" Kung lalayuan ko siya? Maiisip mo ba kung anong mararamdaman niya? Diba nga MAHAL na.. MAHAL na.. MAHAL niya.. Ako?" Binigyang diin niya talaga ang salitang MAHAL. Oo nga pala mahal na mahal siya ni Dylan.

" P-Pero sasaktan mo lang siya!" Sigaw ko sa kanya. Mukha namang nagalit siya kaya hinawakan niya ang buhok ko at inangat ang ulo ko.

" Wag na wag mo akong masisigawan. Katulong ka lang sa bahay na ito. At ano ngayon kung saktan ko siya? Mahal mo na ba ang... Best friend mo?" Mapaglaro niyang sabi.

" H-Hindi mo siya kailangan saktan! S-Sasaktan mo lang siya! Mabait si D-Dylan--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nah salita ulit siya.

" Mabait? Hahaha. Tignan natin kung mabait parin ang turing mo sa kanya... Kawawa ka naman.." Sabi niya na may mapaglarong ngiti..

" A-Anong ibig mong sabihin?"

" Wala... Sabi ko.. Tama ka NAPAKA bait nga ng Dylan mo. HAHAHAHA!" sabi niya at umalis na ng kwarto niya. Iniwan niya ako ng nagiisip kung ano ang ibigsabihin ng sinabi niya.

****

Nandito ako ngayon sa school. Kanina pa ako pinagtatawanan ng mga tao sa school hindi ko alam kung bakit. Habang naglalakad ako nakita ako ang grupo ni Monique. Kasama niya ang mga alipores niya.

Nang makita nila ako dahan dahan silang lumapit sa pwesto ko. Ngumiti sila habang nasa harap ko. Nasa gitna nila sa ate Monique.

" Hahahaha seriously? Panget ka? Hahahaha ngayon mo lang nalaman? " tawa ni Sheryl isa sa kambal. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

" Sa likod mo.. Pfft! Hahahaha. Matagal ka nang panget hindi mo na kailangan pang sabihin.. " hinawakan ko ang likod ko at may nakapa akong papel. 'Panget ako' Yun ang naka sulat. Kaya pala kanina pa ako pinagtatawanan.

" kawawa ka naman. Halika na nga girls hindi dapat tayo kumakausap ng isang basura. " sabi ni Monique at maarteng umalis.

Umalis na din ako ng mapagtantong kanina pa nagtatawanan ang mga kaklase ko.


Nandito ako ngayon sa rooftop wala na kasi akong magawa eh masyadong maingay sa klase dahil wala ang teacher.   At isa pa pinagtatawanan lang naman nila ako.. Hays kailan kaya mababago ang buhay ko?

Napangiti ako ng maalala ko ang plano ko. Ang plano ko ay lumipat ng ibang school. Makipagkaibigan at gumawa ng happy memorise. Pero sisiguraduhin kong totoong kaibigan ang makukuha ko..

Pero tingin ko hindi ko pa kayang iwan si Dylan.. Kaya.. Hindi muna ako lilipat dahil kapag ginawa ko yun siguradong magtatagumpay si Monique sa plano niyang saktan lang si Dylan. Hindi naman ako papayag na saktan nila ang taong mahal ko..

Biglang bumukas ng malakas ang pinto. Agad akong tumingin kung sino ang nag bukas ng pinto ng rooftop.

"Loraine.. Nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap. " sabi ni Sheryl.

" Oo nga" sabi naman ni Shaine.

" B-Bakit? Anong kailangan niyo?" Tanong ko

" Halika sumama ka sa amin. Pinapatawag ka ni Sir." Sabi ni Sheryl at umalis na. Naiwan si Shaine.

" Ano pang hinihintay mo diyan? Pag ganda mo? Pwes sad to say pero kahit mag hintay ka nang isang libong taon hindi ka na gaganda. Bilis! Kaloka ka.. Basurang mabagal pwe!" Sabi niya at rolled eyes.  

Nag lakad na ako palabas habang nasa likod ko si Shaine at nasa harap ko naman si sheryl. Dahan dahan akong bumababa nang maramdaman kong may tumulak sa akin mula sa likod. Hahawakan ko sana ang kamay ni Sheryl para hindi ako mahulog. Buti na lang hinawakan niya ang magkabilang balikat ko kaya hindi ako nahulog sa hagdan.

" S-Salamat" sabi ko.

" Anong salamat? Tingin mo ililigtas kita? Hahhahah" sabi niya at sinampal ako at binitawan at nagpagulong-gulong ako sa hagdan. Nang tumigil ako ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko.

Bago ako lamunin ng dilim nakita ko ang mga ngiti sa labi nina Sheryl at Shaine nakita ko pa ngang dumating si Monique na naka smirk na para bang tuwang tuwa na makita ako nasasaktan.

"M-Monique..." Sabi ko bago ako mawalan ng malay.

***

Nagising ako sa isang ospital. Nasa tabi ko si mama at naka tayo naman si papa sa pintuan. Base sa mukha nila mukha namang hindi sila naga-alala.

" Ma, Pa ano pong nangyare?" Tanong ko. Ang sakit ng ulo ko.. Ano bang nangyare?

" Hindi mo naalala? Nahulog ka sa hagdan." Cold na sabi ni mama.

" N-Naalala ko na po ma.. Mama sina Sheryl at Shaine po ang nagtulak sa akin! Nakita ko pa nga po si Mo--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sampalin ni mama napahawak na lang ako sa pisngi ko.

" Anong mama?! Hindi mo ako ina! Diba sinabi ko sayong wag na wag mo akong tatawaging mama?! Wala akong anak na basura! At anong sila nag tulak sayo?! Eh sila nga abg nakakita sayong nakahiga sa sahig ehh! Sinisisi mo pa sila! Nako bakit ba napaka sinungaling mo?! " sigaw ni mama

" P-Pero ma.. Totoo po ang sinasabi ko.." Mahina kong sabi.

" Anong ma?!! You b*tch! Hindi ka talaga matututo ehh noh?! Sabi ko sayong wag na wag mo akong tatawaging mama! At anong totoo sinasabi mo?!! Napaka sinungaling mo talaga! Wala kang kwenta! Kung alam ko lang na ganyan ka sana pina-abort na lang kita!" Parang tumagos naman lahat ng sinabi ni mama sa dibdib ko.. Ang sakit.. Hindi ko napigilan ang luha ko.. Unti unti silang bumagsak.. Kagaya ng pagbasak ng puso ko...

" Bahala ka diyan! Walang kwenta! Mamatay ka na sana!" Sabi ni mama at pumunta kay papa at sabay silang umalis....

Napaka sakit ng mga sinabi niya sa akin.. Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang na.. Matutuhan niya akong tanggapin. Bumukas ang pinto at pumasok si Monique.

" Awww.. Kawawa ka naman hindi ka nila pinaniwalaan.. Hahaha. Sino ba namang maniniwala sa isang basura na gaya mo? Hahaha. At sana daw mamatay ka na.. Hayyy bakit hindi ka na lang umalis? Para maging masaya naman ang mga tao dito. Wala namang nagpa-pahalaga sa basurang gaya mo ehh." Sabi ni Monique at prenteng umupo sa upuan katabi ng kama ko.

" M-Mali ka.. Si D-Dylan.. Pinapahalahan niya ak--"

" Si Dylan? Hahaha kawawa ka naman talaga. Hayys huwag ka sanang sumuko.. Marami pa kasi akong gagawin sayo.. Kung susuko ka na ngayon wala na akong laruan.. Hahaha" sabi niya at umalis ng kwarto...

Monique.. Mama.. Kayo na lang sana ang tumanggao sa akin okay na ako.. Masaya na ako.. Pero.. Mukhang kayo pa pala ang may pinaka ayaw sa akin.. Si D-Dylan na lang ang.. Nagiisang kakampi ko.. Nagiisang pumipigil sa akin iwan.. Iwan ang lahat ng ito..

--------

I'm never alone.. Because loneliness is always with me..



My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon