Chapter 9

77 8 2
                                    

Birthday ko ngayon... naka labas na pala ako sa Ospital kahapon. Okay na ako ngayon... Any ways birthday ko ngayon pero... walang nakaalala.. Or baka naman wala lang talagang may pakialam? 

Nandito na ako ngayon sa school hinahanap si Dylan.. B-Baka siya naalala niya.. Baka siya may pakialam.. 

Pumunta ako sa rooftop doon kasi siya madalas pumunta ngayon.. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siya doon kasama si... Monique... </3

Agad akong umalis dahil hindi ko na kaya pa pigilan pa ang mga luha ko. 

Pumunta ako sa garden na ako at si Dylan lang ang may alam.. Pero tingin ko nakalimutan niya nadin ang tungkol dito dahil masyado siyang busy sa pagiisip kay Monique.. 

Umiyak lang ako nang umiyak wala na naman akong magagawa pa kung hindi umiyak at umasang may magandang bukas...

Nang matapos na ang school dumeretso ako sa trabaho ko.. Bilang waitress.. Ilang araw na din pala ako hindi nakapasok.. Dahil masyado maraming nangyari ngayong linggo.. 

Pagdating ko sa restaurant na pinapasukan ko lahat sila nagta-trabaho.. lahat sila busy.. Nakita ko si manager agad akong lumapit sa kanya para sana humingi ng pasensya dahil sa mga araw kong walang pasok ngunit ng makarating ako sa kanya agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok sa office niya. 

Inupo niya ako sa upuan tapat ng table niya habang may ngiti sa kanyang labi. 

"Alam kong kaarawan mo ngayon kaya naman rinegaluhan kita.. Alam kong may talent ka kaya ito tanggapin mo." Inabot niya sa akin ang isang.... gitara?

"Gitara?"

"hahaha oo. Narinig kong tumugtog ka niyan dati ng iwan ko dito ang gitara ng anak ko. At narinig kong magaling kang tumutog at kumanta.. Napaka ganda ng boses mo." Ngiti ngiting sabi niya.

"A-Ahh sorry kung pinakialaman ko ang gitara nang anak niyo manager!"

"Hahaha okay lang yun. hindi mo naman sinira ehh at sa iyo na yan.. Sige na bumalik ka na sa trabaho. Happy birthday din.." Ngiting sabi niya. Para ko na talagang ama si manager. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap

"Ohhh masyado mo naman pala nagustuhan ang regalo ko? Wag ka magalala baka mas mahal pa dyan sa regalo ko ang regalo mo mamaya sa pamilya mo." Sabi ni manager. Bigla naman akong nalungkot.. Hanggang sa may bumagsak nang luha galing mata ko. Nahulog ito sa balikat ni manager.

"Oh bakit? Wag mong sabihin na..." 

"Opo.. Kayo pa lang po ang nakakaalala ng birthday ko.. Kayo nga po ang unang bumati sa akin ehh at wag na po kayong umasang bibigyan pa ako ng mga regalo maski nga batiin ako hindi nila magawa ehh bigyan pa ako ng regalo.." malungkot kong sabi.. 

Humiwalay siya mula sa pagkakayakap ko at hinawakan ako sa balikat.. 

"Okay lang yan.. May awa ang dyos.. Napaka napaka bait mong bata Loraine.. Napaka swerte nga ng pamilya mo dahil nagkaroon sila ng batang katulad mo.. wag kang magalala nandito lang ako.. At balang araw makikita rin nila kung gaano ka kahalaga.." Sabi ni manager at hinalikan ako sa noo. 

***

Pag dating ko sa bahay nakapatay na lahat ng ilaw.. Siguro tulog na sila pumunta ako sa kusina para maghugas dahil baka magalit sila kung hindi ko gawin ang trabaho ko.. Pag dating ko sa kusina may nakita akong maliit na cake.. Maliit lang siya at may nakasulat sa pangalan ko.. may kandila din siya at hawak hawak ni Nay linda.. 

"happy birthday anak.." sabi niya at nilapag ang cake sa mesa at nilapitan ako at niyakap..

"N-Nay linda..." Naiiyak nanaman ako..

"hahaha alam ko namang wala silang balak bilhan ka ng cake kaya ako na lang ang bumili. Pasensiya na kung maliit lang iyan lang kasi ang makakaya ko at---" Hindi ko na siya pinatapos dahil hinigpitan ko ang yakap sa kanya..

"N-Nay Linda... maraming maraming salamat po.. Hindi niyo po alam kung gaano ako kasaya.. Kahit po sa maliit na cake na yan.. Napakalaki po nang ibigsabihin niyan sa akin so maraming salamat po.. Kayo na po ang tumayong nanay ko simula bata ako.. Maraming salamat po dahil minahal niyo ako na parang isang tunay na anak." Sabi ko habang yakap siya.. Hinaplos niya ang buhok ko.. 

"walang anuman.. napaka bait mong bata loraine.. Hindi ko lang alam kung bakit ganyan ang magulang mo sa iyo.. halika na at kumain tayo ng cake." Sabi niya at kumain kami ng cake na binili niya. 

"Oh? Meron palang nag regalo sa iyo! Nako sino yan boyfriend mo? Naku pasensya na at wala akong regalo sayo.." sabi ni Nay Linda.

" Si manager ko po nay linda. Napaka bait niya po no nay?" 

"oo nga ehh nako salamat at nagkaroon ka ng mabait na manager.." Sabi ni Nay Linda at nagsimula nang kumain. 

Salamat Nay linda... Salamat dahil nandyan ka lagi para sa akin kahit buong mundo ay tinalikura na ako.. Salamat dahil kahit gustong gusto ko na sumuko binibigyan mo din ako ng lakas ng loob pinaparamdam mo sa akin na may halaga ako.. 


My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon