Chapter 4

105 11 13
                                    

Pag katapos kong mag luto ng pagkain umalis na ako. Hindi ko muna pinag trabaho si Nay Linda dahil siguradong pagod pa siya. Pinag pahinga ko na lang muna siya.

Dumaan ako sa isang shop para bumili ng pag kain. Chips. Paborito ni Dylan. Ibibigay ko na lang ito mamaya sa kanya. Pag pasok ko sa school nakita ko kaagad si Dylan. Nag kwe-kwentuhan sila ng mga kaibigan niya.

Mukhang masaya siya. Napangiti ako. Lumapit ako sa kanya. Napatigil sila sa pag tawa. Ngumiti ako kay Dylan. Pilit na ngumiti siya sa akin. P-Pilit?

" Dylan!" Sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.

Nakarating kami sa likod ng school, kung saan walang tao. Wala kasing masyadong pumupunta dito dahil kami lang ni Dylan ang may alam na may secret garden dito sa school.

" Anyare sayo?" Tanong ko.

" Tss. Hindi mo ba nakitang nag uusap kami?! Panira ka eh. Bastusan lang?!" Galit na sigaw niya. Nasaktan at nalungkot ako.

Dati kapag ginagawa ko yun inaakbayan niya ako tapos ipapakilala sa kaibigan niya.

" S-Sorry..." Nakayuko kong sabi.

" Tss." Sabi niya sabay alis. Sa ikalawang pag kakataon. Nagulat ako. Dati kapag nag aaway kami mag so-sorry agad siya.. Ano bang nangyayari sayo Dylan?

Pati ba naman ikaw galit na din sa akin? 

Umupo lang ako sa ilalim ng puno hanggang hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Nag mulat ako ng mata at nakita ko si Dylan. 

"Raine? Thank God your alive! Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka pumasok sa mga Klase mo? Hindi mo ba alam na naga-alala ako?" Sabi niya. Hindi ko maiwasang malungkot lalo na't... Wala akong nakikitang sinsiridad sa mga mata niya.

"O-Okay lang ako. N-Nakatulog kasi ako." Sabi ko at tumayo na. Pilit na ngumiti ako sa kanya.

"Mabuti naman. Akala ko may nangyari na sayong masama....." Meron siyang binulong pero hindi ko na narinig. 

Pagkatapos ng klase umuwi na ako. Wala muna akong pasok sa trabaho kaya naman sa bahay na lang muna ako. Pag uwi ko nakita ko si Monique na nakahilata sa sofa.

"Monique, Nasaan si Nay Linda?" Tanong ko.

"Anong Monique?! Makapag salita ka dyan akala mo kung sino lang ang kausap mo! Impakta! Wala dito si nay Linda. Kaya gumawa ka na ng mga gawaing bahay! Bwisit!" sigaw niya. 

Napabuntong hininga na lang ako at nag laba at naglinis ng kabahayan. Pagkatapos ng lahat ng gagawin ko. Umupo muna ako sa sofa at nag relax. Napangiti ako dahil minsan lang ang ganitong eksena sa buhay ko. 

Huminga ako ng malalim. Minsan talaga ang sarap mag relax. may narinig akong bumagsak kaya napadilat ako. Si monique. Nakita ko siyang nahulog ang remote ng T.V

Nakahinga ako ng maluwag dahil yun lang ang nabagsak niya. At buti na lang hindi din yun nasira. 

"Anong ginagawa ng isang basura sa sofa? May pabuga-buga ka pa ng hangin! Natuwa ka kasi hindi na sira? hmmm.. Mag linis ka na ng garahe! Impakta." Taas kilay niyang sabi. 

Unti-unti akong tumayo. Hindi pa ako nakakalabas ng marinig ko ang pag park ng sasakyan sa labas. Tumingin ako kay Monique. Nagulat ako ng bigla siyang ngumisi. 

"hmmmm... Gusto ko ng movie.. na sigurado akong meenjoy ko." Sabi niya at biglang binagsak ang vase na malapit sa sofa. 

Nagkabasag-basag ito. Mas lalo akong nagulat ng biglang kumuha ng bubog si Monique at sinugatan ang braso niya. Agad akong lumapit sa kanya at tinignan ang braso niya. Malalim ang sugat.

"Wag! Maawa ka. Bakit ka ba ganyan Loraine? Wala naman akong ginagawang masama sayo eh. Aray! A-Ang sakit." Umiiyak na sabi inya. Biglang may babaeng lumuhod sa tabi ni Monique at tinignan ang sugat niya na puno ng pagaalala ang mga mata. Walang iba kung hindi si mama.

Napatayo ako. Biglang tumingin sa akin si mama. Galit ang makikita sa mga mata niya.

"What did you do to her?!" Hinawakan niya ang braso ko. 

"W-Wala po akong ginawa." Sabi ko.

"What?! Are you blind?! See that deep wound in her arm?! Who do you think did that?!" Hinawakan niya ako sa braso at marahas na tinulak sa ding-ding. 

Tumama ng malakas ang likod ko sa pader.

Pinag sasampal niya ako. Wala na akong magawa kung hindi umiyak. Hinawakan niya ang buhok ko at hinampas ang ulo ko sa pader. May nakita akong dugo. Ang sakit. Pero sabi nga nila walang-wala ang physical pain kesa sa emotional pain. 

"Worthless b*tch!"  Sabi niya at tinulungang tumayo si Monique na ngayon ay walang tigil na umiiyak. 

Pinanood ko silang umalis. Pero bago sila tuluyang mawala sa paningin ko nakita kong lumingon sa akin si Monique at ngumisi.. 

Yun ang huling nakita ko bago ako kainin ng dilim..

---------

One lie you make can make my body full of bruise...

My Crying SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon