12/25/14

78 1 0
                                        

Dear Diary,

It's 12:00 AM. 

Pumasok ako sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nagsimba. Baka napagod siya sa pagtulong at paghahanda ng kanilang magiging salusalo mamaya. May mga ilaw pa sa Christmas tree, yung mga kulay pula't berde.

Maingat at tahimik akong naglakad papunta sa kusina. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo sa lagayan.

Naglakad ako palapit sa kanya. Mahimbing siyang natutulog sa sofa. Pabulong ko siyang binati ng "Maligayang Pasko." Pagkatapos ay kinuha ko yung regalo na binili ko. Isang maliit na kahon na may lason sa loob.

Walang pagdadalawng isip kong pinasok ang gamot sa kanyang katawan gamit ang syringe. Nangisay bigla ang katawan niya pero hindi pa rin siya nagigising. At para mapatigil ang katawan niya, buong lakas ko siyang sinaksak sa dibdib.

Plano ko pa sanang kumain kasama siya bago ko siya bawian ng buhay. But I canged my mind. Bakit? Dahil hindi na ako makapaghintay at baka mawalan na naman ako ng chance na patayin siya.

Wala na akong narinig kundi ang sariling paghinga ko at ang tunog ng agos ng dugo mula sa katawan niya.

Matapos ang lahat, iniwan ko siya doon. Isinara ko ang pinto at umalis.

PS: Don't worry wala silang makukuha na pwedeng magturo sa akin. I came prepared bago gawin yun sa kanya.

Diary of Crimes (Diary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon