"Wala raw akong kwentang presidente." iyon ang sabi ni Anna sa akin.
Wala raw kasi akong ginagawa na nakakapagpabuti sa mga classmates ko. Naging pabaya raw ako sa lahat ng bagay maging sa responsibilidad na meron ako. Lagi raw siyang naaalibadbaran ng ingay sa loob ng classroom. Halos pagmumura at pangaral ang natatanggap ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang salit niya sa akin.
Ginawa ko naman ang lahat pero sadyang kulang pa rin talaga. Kahit gusto ko silang baguhin, hindi ko magawa. They didn't even care to every single word I said. The whole class ignored my presence as if I don't really exist. Kung may isa mang tao na lagi akong pinagmamasdan sa bawat kilos at galaw iyon ay si Anna.
At hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako at hindi maiwasang mangilabot sa sinabi niya sa 'kin nun.
"Ang ingay ng classroom tapos ikaw tahimik lang. Baka gusto mong matahimik nang panghabambuhay."
I'm Frency Mangubat, the class president of Grade XII- Charity.
BINABASA MO ANG
Diary of Crimes (Diary Series #1)
Fanfiction"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY