11/12/14 10:30 PM

3.4K 119 4
                                        

Dear Diary,

Dinalhan ako kanina ni Mom ng gatas sa kwarto ko bago siya natulog. Hindi ko iyon ininom at itinabi lamang. May natuklasan kasi ako diary. Yung pinsan kong si Nissy. Nakita ko siyang may inihalo na kung ano sa baso ng gatas. Siya pala yung nagtitimpla ng gatas ko tapos binibigay niya kay Mama para iabot sa 'kin.

Ilang gabi akong umiinom ng gatas na bigay ni Mama sa pag-aakalang siya ang nagtimpla pero mali ako. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat diary. Simula nang dumating siya sa bahay doon din nagsimula ang kakaibang nangyayari sa sarili ko. Kasama na doon ang sunud-sunod na krimen sa aming lugar.

Anong bagay ang inihalo niya sa gatas na pinapainom niya sa kin? Iyon nga kaya ang dahilan kung bakit naglalakad ako ng tulog? At dahil nga kaya doon kaya nagagawa kong pumatay ng walang kaalam-alam?

-Anna

Diary of Crimes (Diary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon