Ako si Maria Paz, ang adviser ni Anna. Mabait namang bata si Anna. She's very active in the class. Top 1 nga siya sa aming section. Halos lahat ng guro ay gustong-gusto siya. Kapag wala ako, siya lagi ang nagti-take over. Lagi niya napapasunod ang mga classmates niya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko mas takot pa yung mga kaklase niya sa kanya kaysa sa akin.
Paano ko nasabi?
Well, there was a time na na-late ako sa klase tapos nung papunta na ako classroom, nabigla ako dahil nakasirado yung pinto. Sumilip ako sa bintana at nakita kong nakatayo lang sa harapan si Anna na nakapamewang samantalang ang mga kaklase niya ay tahimik na nakayuko habang nakalagay sa arm chair yung mga kamay nila. Some of her classmates shudder for no apparent reason.
Since that day, unti-unting bumaba ang bilang ng mga estudyante ko na pumapasok sa paaralan. Tuwing may exam lang sila nakokompleto. Madalas nga nakakalimutan na nilang maglinis ng classroom bago umuwi para kasing may kinakatakutan sila. Ayoko namang mambintang pero sa nakikita ko, parang may ginawa si Anna sa kanila.
BINABASA MO ANG
Diary of Crimes (Diary Series #1)
Fanfiction"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY