Dear Diary,
I woke up late today. Halos magdamag kasi akong gising kagabi sa kakamasid sa pinsan ko. Alam mo namang hindi ko seseryosohin ang isang bagay kung wala akong mapapala di ba, diary? So I just want you to know na may maganda akong balita para sayo. Of course it's about Nissy.
Sinundan ko siya kagabi at nakita ko siyang naglalakad patungo sa masukal na gubat. Dala-dala niya ang kanyang backpack na kulay itim. Hawak niya sa isang kamay ang flashlight. Nang tuluyang makalayo ay inilapag niya ang kanyang bag at inilabas ang mga gamit mula doon. Isang bagay ang kumuha ng atensyon ko dahil sa kumikislap ito.
Kutsilyo. Isang matalim na kutsilyo diary. Hindi ko na nagawang mag-focus dahil sa nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Dala ng takot, pinili ko na lamang na bumalik ng bahay. Natatakot akong baka makita niya ako.
Anong ibig sabihin nito, diary?
BINABASA MO ANG
Diary of Crimes (Diary Series #1)
Fanfiction"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY