Nissy's Confession
Nagsimula ang lahat nang dumating ako sa bahay nina Tito Sed at Tita Teoly. They are Anna's parents. Pagdating ko sa bahay, sinurpresa nila ako. Masaya sila sa pagdating ko maliban kay Anna. I know she hates me because she got jealous for the attention I received from her parents.
Kapag kaming dalawa lang sa bahay, ibang-iba ang titig na binibigay niya sa akin. Parang pinapatay niya na ako sa isip niya. There was a time that she approached me pero hindi ko siya pinansin dahil nag-aalangan ako. After that, marami na ang kung anong kakaiba ang napansin ko sa kanya. I never thought na dahil lang dun ay mas pinag initan niya ako.
I can't understand her behavior. It's really hard to predict. Hindi ko alam kung nagdadramahan lang siya but she's kinda weird. Her weirdness makes me creep out!
Isang gabi nun, narinig ko siyang umuungol. After that, narinig ko naman siyang sumisigaw. Ilang beses ko siyang kinatok sa kwarto niya pero hindi siya sumagot. Hindi ko na matandaan kung ilang beses na ulit iyon. Pero ang mas nakakapanindig balahibo ay yung naglakad siya palabas ng bahay na nakapikit ang kanyang mga mata.
Hindi po ako sigurado kung may kinalaman siya sa lahat ng krimen na nangyayari sa lugar na 'to pero isa lang ang masasabi ko, inosente po ako!
BINABASA MO ANG
Diary of Crimes (Diary Series #1)
Fanfiction"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY