Dear Diary,
I decided to kill Nissy tonight but something came up. Nasira ang plano ko dahil kay Mom. Tahimik akong lumabas ng kwarto ko kanina. I thought everyone was already asleep kaya dumiretso ako sa kwarto ni Nissy. Ilang hakbang pa lang ang nagawa ko nang bigla akong tawagin ni Mom. Pinagtimpla niya ako ng gatas. Kahit papano'y napangiti ako dahil doon hanggang sa tuluyang nawala sa isip ko ang pagpaslang kay Nissy.
PS: Sorry kung nakalimutan kong ikwento sayo 'to diary. Ang totoo niyan halos gabi-gabi akong tinitimplahan ni Mom ng gatas kapag alam niyang gising pa ako. Nagsimula ito noong dumating si Nissy sa bahay namin. Siguro nag-aalala siya sa kalusugan ko. Sana nga....
Happy,
Anna
BINABASA MO ANG
Diary of Crimes (Diary Series #1)
Fanfiction"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY