Dear Diary,
Nagising ako sa sobrang lamig. Halos wala akong makita dahil sa nakapatay ang ilaw. Sinubukan kong pindutin ang switch sa gilid pero ayaw magbukas. Mukhang nawalan yata ng kuryente dahil madilim ang buong bahay.
Ginamit ko na lamang ang flashlight ng phone ko para ilawan ang paligid. Doon ko lang napagtanto na nakabukas pala yung bintana na dulot marahil ng malakas na hangin. Muli kong isinara iyon.
Lalabas na sana ako ng kwarto pero ko mabuksan iyon. Parang nasira yung door knob dahil ayaw nitong magbukas kahit anong pihit ko. Pinilit ko na lamang na kalampagin iyon. Sinubukan ko ring tawagin sina Mom at Dad pero hindi sila sumasagot.
Nag-aalala ako, diary. Malakas ang kutob kong may nangyaring hindi maganda. Kailangan kong makalabas ng kwartong to!
-Anna
BINABASA MO ANG
Diary of Crimes (Diary Series #1)
Fanfiction"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY