11/05/14 09:19 AM

3.6K 128 4
                                    

Dear Diary,

Kinakabahan ako kanina nang biglang magtanong si Mom kung lumabas ba ako kagabi. Narinig niya kasing bumalabag yung pinto ng kwarto ko at parang nakita niya raw akong naglalakad palabas ng bahay. Sinabi ko na lang sa kanya na baka namamalikmata lang siya kagabi.

Mabuti na lang talaga at hindi na siya nagtanong pa. Napansin ko kanina ang biglang paglamig ng inasal ni Nissy. Sa tuwing magkakatinginan kami umiiwas siya ng tingin at para bang natatakot.

PS: Nakita ba ako ni Nissy na nagpunta sa gubat kagabi?

Problematic,
Anna

Diary of Crimes (Diary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon