I hate Lola. Everytime I see her face, my blood reaches its boiling point. Ibang-iba na siya sa Lola na kilala ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinanghuhugutan niya ng galit. I tried to be nice today pero pinakitaan niya pa rin ako ng hindi maganda. Pakiramdam ko tuloy ibang tao ako.
After what happened kaninang umaga ay buong hapon akong umalis ng bahay. Kaya naman nagpunta na lang ako sa mall at naglaro ng arcade games. Doon ko na lang binuhos ang inis at sama ng loob ko kay lola.
Pero bakit ganun? Hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya pag uwi ko?
PS: Nakatalikod kanina si Lola sa mesa tapos hindi ko namalayan na hawak-hawak ko pala ang kutsilyo sa kamay ko at nakita niya ako. Kinakabahan ako. Baka magsabi siya kay Lola.
BINABASA MO ANG
Diary of Crimes (Diary Series #1)
Fanfiction"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY