Dear Diary,
Maraming tanong ang nabuo sa isipan ko diary. Dahil hindi ko naman pwedeng sabihin kay Mon at Dad ikaw na lang ang tatanungin ko diary.
1. Ano ang motibo niya at hinaluan niya ng kung ano ang gatas ko?
2. Sleeping pill lang ba iyon o kakaibang tableta na nakakapag-cause ng sleep walking?
3. Galit ba siya sa kin? Pero ako dapat ang magalit sa kanya dahil inaagaw niya ang atensyon ng mga magulang ko.
4. Ako ba talaga ang may gawa lahat ng krimen? Pero paano kung na-set up lang ako para ako ang ituro ng ebidensiya.
5. Inosente nga kaya ang pinsan ko? Wala nga kaya siyang kinalaman sa lahat ng nangyayari?
6. Paano kung dalawa kaming pumapatay?
7. Bakit kapag nagigising ako wala siya lagi sa kwarto niya?
8. Anong ginagawa niya sa labas kahit madaling araw na?
9. Bakit maraming gamit ang nasa bag niya noong gabing sinundan ko siya sa gubat?
10. Para kanino niya gagamitin ang kutsilyong iyon?
11. Alam niya kayang pinagmamatiyagan ko siya?
12. Paano kung ako ang isusunod niya?
13. Magagawa kaya niyang patayin ang sina Mom at Dad?
14. May sakit ba siya?
15. Paano kung hindi siya ang pinsan ko at ginaya niya lang ang mukha nito?
Andaming kong tanong diary. Gulong gulo na ako. Natatakot ako. Natatakot ako sa kanya pero mas natatakot ako sa sarili ko at sa magagawa ko.
-Anna
BINABASA MO ANG
Diary of Crimes (Diary Series #1)
Fanfiction"Don't you ever read and stole my diary or else I'll take your life away" -Anna FANFIC EPISTOLARY