"Beb go!" sigaw ni Beb.
Agad naman kaming pumasok sa Haunted House. Karay-karay namin si Rence. AMBIGAT NIYA! Pero di ko na iniisip yun. Dahil mayat-maya ay may putukan.
Si Telle talaga ay umiiyak na. Nafefeel ko ang takot niya. Ever since takot talaga siya sa mga multo.
Nakarinig kami ng sigaw. Alam namin kung kanino yun.
"Clark!" humagulgol na si Telle. Nakakapit na siya sakin. Habang naglalakad kami. Kelangan naming mailapag agad si Rence. Nararamdaman ko ang dugo sa balikat ko. Pero wala kaming makita.
"Hail, dito!" Sa wakas. Nakahanap ng isang kwarto si Nadine! May night vision kasi ang salamin niya. And dad niya ang gumagawa ng mga gadgets sa Mafia Goup kaya naman.. techie yan!
Inilapag namin si Rence sa what I think ay kama. Ang lambot eh. Narinig ko namang naglibot libot si Nads. Siya lang makakakita eh. Si Telle naman ay biglang yumakap sakin at nahagulgol.
"Walang first aid kit!" sabi ni Nadine.
"Malamang. Haunted House to eh" sabi naman ni Telle.
"Telle, wag mo nga isipin yun! Ako natatakot eh" sabi ni Nadine.
"Pahiram salamin" sabi ko kay Nadine.
Ako lang naman kasi makakagamot kay Rence. Ako lang naman ang umaatend sa medical lessons namin eh. Mga tamad yang mga yan!
Binigay naman agad sakin ni Nadine yung salamin niya. Kay Rence lang ako natingin. Haunted House po ito. Baka naman kung ano makita ko. Grabe! ANdaming dugo. Nadaplisan siya ng bala sa balikat. Pero di naman malalim. May sugat pa sa ulo.. nabubog ata. Kay siguro nadedbat.
Hinubad ko yung polo ko. May sando akong panloob. Binalot ko yung sa balikat niya!
"Fck! Walang signal!" sabi ni Nadine habang tinatas ang relo niya. Color Red meaning No Signal. ANg techie. Yung relo may cellphone. Gusto ko nun!
Nakita ko naman dumudugo yung polo ko. Hala. May putukan pa rin sa labas!
"Kelangan na nating isugod sa hospital to. Madaming dugo!" sabi ko.
"Ha... eh!" Biglang hinablot ni Nadine yung glasses niya. Wala na akong nakita!
"Maghanap kayo ng kahit ano.. gamot.. basta something na makakatulong. Kahit naman ugok to. Mahalaga to sakin. Wala akong makokopyahan kapag nagkataon!" mangiyak ngiyak na sabi ni Nads.
"Wala kaming makita.. at ayokong may makita" sabi ni Telle na kumalma na.
Bigla namang may sumindi. May kandilang hawak si Nads at binigay sakin.
"Bilis na... ayoko mamatay to!" umiyak na siya.
Hinila ko si Telle at naghanap-hanap.
Lumabas kami ng kwarto at nakarinig kami ng putukan. Ayoko makinig. Nakakita naman kami ni Telle ng isang kwarto at pumasok. Ang dilim. Ang lamig.
"Hail... a--ayoko" sabi ni Tele na medyo iiyak na.
"Shhh.... maghahanap lang tayo ng something!" Kahit ako di ko alam ang hahanapin ko eh. Bahala na. Nandito na rin eh.
Pumasok ako at nakaramdam ako ng tubig. Nasa banyo kami.
Naglakd-lakad kami hanggang sa dulo.
Tinapat ko yung kandila sa something at nagulat ako.
"WAAH!" sigaw ni Telle.
"Shh... salamin lang yan. Takot ka sa sarili mo?"
"Naman eh! Kainis! Wala tayong mahahanap dito! Alis na tayo."
Hinihila niya ako. Parang bata!
Biglang umihip ang hangin. Naramdaman kong nanlamig ang batok ko.
Tumaas ang mga balahibo ko.
Alam kong umiiyak na si Telle. Pero bakit... bakit wala akong naririnig?
"Telle.."
Yumakap siya ng mahigpit. Lumakas ang hangin. AN lamig. Goosebumps!
"Telle.. after 3"
Nagnod siya. Umiiyak siya. Hinawakan ko kamay niya. Ang lamig. Kabado siya.
"1"
Hinigpitan ko hawak ko sa kanya. Ganun din siya. Nanlamig ang paligid.
"2"
Namatay yung kadila. Lumakas ang hangin.
"3"
Tumalikod kami at..
"WAAAH!"
sigaw ko. ako lang... si Telle tiningnan lang ako. Di ba niya nakikita?
May isang babaeng nakaputi sa harap namin. Hindi siya tao... at alam na ninyo kung ano siya.
Hinila ko si Telle.
"Wait, Hailey! Sandali!"
Nakaramdam ako ng pagbaliktad ng tyan ko. Nadulas at natumba ako.
AT ayun ang huling pagkakataon na naramdaman ko ang katawan ko.
DAHIL NAKITA KO NALANG ANG KATAWAN KO...
NAKAHANDUSAY
WALANG MALAY
AT NAKAHIWALAY ANG KALULUWA KO.
BINABASA MO ANG
The Naughty Ghost
Teen FictionHindi po siya horror! Medyo lang xD Read nalang po :) Let's share love ang happiness :) “We are not human beings on a spiritual journey. We are spiritual beings on a human journey.” Stephen R. Covey “How much truth can a spirit bear, how much trut...