Real Hailey
Letcheng buhay to oh.
Bumalik ako sa bahay...
Deretso ako sa kwarto ko.
"Oh nakabusangot ka diyan?" bungad saken ni April
Di ko siya pinansin.
Instead pumunta ako sa desk ko at pinagbabato lahat ng nandoon.
Notebook. Laptop. Cellphone. Vase.
Sinunod ko yung closet.
Tapon damit doon. Tapon damit dito.
"Oy.. kalma!" saway ni April
I glared at her.
"Sabi ko nga.. tuloy lang" natigilan din siya.
Tas lahat ng pwedeng guluhin ginulo ko na.
Lahat ng picture frames pinagbabato ko.
Simula nung bata pa ako.. hanggang sa ngayon. Para sakin wala na!
Hindi na ako makakabalik sa katawan ko.
I give up.
Nung nakita ko yung picture namin ni Peter. I flinched.
Umiyak ako... then binato ko yun sa mirror sa desk ko. Pareho yung nabasag.
"Oy! Hailey maghunus dili ka!" sigaw ni April
Napaupo ako tas humagulgol ng iyak.
Lumapit naman si April.
"Hailey... wag ka namang ganyan oh..."
"Di mo ako naiintidihan! Palibhasa hindi ikaw ang inagawan."
"Naman oh. Buti nga nakakaiyak ka pa eh. Alam mo ba na hanggat may luha pang lumalabas sa mata mo ay may pag-asa ka pang bumalik sa katawan mo"
"Sinasabi mo lang yan para patahanin ako... pagkatapos nun makikita ko na naman na nagugulo buhay ko at wala akong nagagawa... masakit yun para sakin pero ang hindi ko matanggap ay kahit anong ngawa ko at kahit balde balde na ang iniiyak ko wala akong magawa"
Humagulgol ako.
Niyakap niya ako or nafeel ko lang yung presence niya... pero di talagang buo tulad ni Sensei. Kasi patay na siya.
"Shh.. malapit ka na sa existence mo alam mo ba yun. Nakakahawak ka na nga ng gamit oh.. alam mo bang gusto ko matuto niyan kaso di pwede kasi wala na akong molecular density kasi pure soul nalang ako"
Ngumiti siya...
Somehow I feel calmed down.
Kasi kung anong kaya kong magawa.. kahit katiting lang yun ay never na mararanasan ni April.
"April, bakit nga ba dito ka sa kwarto ko namamalagi? Ayaw mo ba sa bahay niyo?"
"Bakit naiilang ka ba? Dapat nga ako mailang sayo eh.. kung makakanta ka parang gusto mo bumagyo sa buong Pilipinas... kung nakakahawak lang ako nabato na kita ng payong!" sabi niya sabay tawa
Di man lang sinagot yung tanong ko.
Hay bahala na nga baka trip niya lang talaga.
Biglang bumukas yung pinto ko.
Naku yung impakta na umagaw sa katawan ko.
"Nakuuuu! Pagod na nga ako.. ito pa dadatnan ko! Letchugas talaga yung Nadine na yun!"
BINABASA MO ANG
The Naughty Ghost
Teen FictionHindi po siya horror! Medyo lang xD Read nalang po :) Let's share love ang happiness :) “We are not human beings on a spiritual journey. We are spiritual beings on a human journey.” Stephen R. Covey “How much truth can a spirit bear, how much trut...