Real Hailey (na nasa katawan ni Thomas)
Hay naku.
Tangengot ka talaga Hailey.
Nabuhay ka nga sa katawan naman ni Thomas.
Punyemas.
Sana lang sundin ako nung asungot na yun kung spirit na siya.
Sina April at Sensei na ang bahala sa kanya.
Bumukas yung pinto. In fairness lahat sila nandito.
"Oh... gising ka na pala tol!" sabi ni Rence
"Ah.." speechless ang lola.
"Baka pagod pa yan.. wag niyo muna kayang kausapin" sabi naman ni Beb.
Oh how I miss him.
"Ah.." wala akong masabi.
"GRABE KA THOMASINOO! Ikaw, nahimatay? Hay naku bago un ah" sabi ni Nads
Talakera talaga tong babaeng to. Ah.. nasa katawan nga pala ako ni Thomas.
Antanga kasi Hailey. kalokaa.
"Ano ba yan Nadine.. baka na-istress lang. Kaskasero kasi" sabi ni Telle
Geh mang-asar. Galit na siguro ung multo ni Thomas
"Shunga! Baka nabakla dun sa kalaban!" sabi ni Clark with matching apir pa kay Rence
Lagot kayo kay Thomas pag bumalik yun!
"Baka nagkulang ka sa vitamins mo... alam mo kapag kulang sa iron at zinc----"
Naputol si Rence kasi sumabat si Nadine.
"Ay nakuu.. kung ano ano na naman pinagsasabi mo! Akala mo naman naiintindihan namen!"
Tas nagtawanan silang lahat.
"Ah.. tulog ako" yan nalang ang nasabi ko. Kaloka. Nakakamiss sila.
"Oi.. iwan muna naten." sabi ni Beb.
Nagtalukbong ako. Sumara naman yung pinto. Yes nakaalis na den sila.
Kaso may kumalabit saken. Mumu?
"Waaaah Sensei naman wag ganyan!" sabi ko.
"Ha?" sagot ng boses ko.
WAAAAH. Napatilapon yung kumot.
"AH.. Hailey?" shemay ang weird sabihin ng pangalan sa mukha mo.
"Ah.. sorry. Naa-- Ah wala wala" sabi ko--este niya tas umupo sa kama ko
"Ano?" tanong ko.
Kaso lumapit ako--este siya saken--este sa katawan ni Thomas.
Awkward. Hinimas ko yung buhok ko. Bat dry? Di ba niya giangamit yung conditioner?
"Thomas.. ayoko ng ganito. Natatakot ako" sabi niya naiyak?
Edi umalis ka sa katawan ko. Piste.
"Uh.. di ka pa nasanay" sabi ko nalang
In fairness ang lalim ng boses.
"Ayoko naaa." sabi niya.. nangawa?
Hala.. nasisira poise ko.
Kumalas siya. Akma namang nilapit niya mukha niya saken.
Grabe ganito ba ako kahaggard sa malapitan.
Maganda kasi ako kapag tumitingin sa salamin.
Grabe magnified view. May pimples na pala ako.
Pesteng multo ka... sinira mo na buhay ko,, wag naman pati mukha.
Narealize ko na hahalikan ako ng sarili ko... Ewww. Awkward no.
Girl to girl? Pero Boy naman si Thomas... eh kadiri pa den.
Lumayo ako.
"Ah.. Hailey.. pagod ako. Tulog muna ako" sabi ko.
"Okay"
She composed herself--este my drop dead gorgeous sizzling hot body.
Umalis na siya sa kwarto ko.
Kaloka yun ah.
Teka anong gagawin ko? Wala naman akong magagawa kasi di ako makakalabas sa katawang to. Si Thomas lang ang may kakayahang bumalik.
Kainis! Ano namang gagawin ko sa free time ko.
Ah alam ko na! Hahanapin ko si Lance ni April.
Kaso.. oo nga naman! Andaming Lance sa mundo.
San ako magsisimula?
Teka anlagkit ng pakiramdam ko.
Maligo kaya muna ako?
EHhhhhh! Nasa katawan pala ako ni Thomas.
Makikita ko yung ano niya!
Ehhh... Pano yan?
BINABASA MO ANG
The Naughty Ghost
Teen FictionHindi po siya horror! Medyo lang xD Read nalang po :) Let's share love ang happiness :) “We are not human beings on a spiritual journey. We are spiritual beings on a human journey.” Stephen R. Covey “How much truth can a spirit bear, how much trut...