Hailey's body
WAHHHHHH!
Ang ingay! Inaantok pa ako eh... Kainis naman oh!
"Oi! Hailey! Gising na!" sabi nung Nadine
Yup nakilala ko na sila. Pano? Wala lang nakinig lang ako sa usapan nila. Mukha namang wala silang pake kung makinig ako eh. Ganun ba sila ka-close?
Nalaman ko na din na anak pala sila ng isang Mafia group. Woooh... deadly. Sila rin ay kabilang sa 'Elite Clan' at magiging tagapagmana sila.
"Ayaw."
Grabe ang ingay nung gadget niya! Tunog ng tunog.
"Grabe...di ka naman ganyan dati ah. Pumasok ka na... isang linggo kang wala. Ay,Ewan! Nakakabad trip ka. Thomas ikaw na nga umalog diyan!"
Tsk. Sige magwalk-out kalang. Di ako babangon no. Ansarap kaya matulog. Ngayon lang ulet ako nakatulog eh... ansarap!
"Tss. So stubborn" narinig kong bulong ni Thomas.
Right! Siya pala yung una kong nakita nung nagkamalay ako. Ewan... parang gusto ko na siya. Kaso nga di naman niya ako dinadalaw. Yung Peter na manyak yung dumadalaw sa kin.
"Hailey! Wake up."
"No"
Nagtalukbong ako ng kumot.
"You're such a brat! Don't expect me to stay here and wake you up. I won't waste my time. You're getting so annoying lately"
Shizz. English.. Nosebloood.
"Ano yun?" bumangon ako. Kainis eh... lagi akong ine-english.
"Gising na putcha!"
Sige kung di English... mura.
Bumangon ako. Kahapon pa nila ako ginaganyan. kesyo di na daw ako pumapasok... eh ano ba kasi.. Grounded nga kami diba.
Yes, napagalitan kami sa meeting. Nakipagbarilan daw kasi kami. Ayan tuloy natamaan yung Lawrence sa balikat. Tas yung Clark natamaan sa hita. Si Thomas naman ayun.. gwapo pa din.. este walang pake sa galos niya.
Bawal daw kami lumabas ng headquarters. Akalain mo yun... bahay nina Hailey yung headquarters... at talagang may kanya-kangya silang kwarto ah. Iba na ang mayaman!
Anyways.. naligo na ako at nagsuot ng damit. Ano ba naman tong babaeng to... walang taste sa damit. Kaya ayun kumuha ako ng above the knee na shorts... kaso ayaw ko. Kaya ginupit ko! Akin na naman katawan niya diba... gagawin ko na gusto ko.
Nung mukha na siyang pekpek shorts sinuot ko na. Ano ba naman kasi tong ababeng to. Walang katawan. Anliit ng hinaharap. Tas ang haba ng legs. Amazonang Katawang model... walang kaappeal-appeal.
Bumaba ako at lahat sila nakatingin sakin. Hala.. may dumi ba mukha neto.
"What are you wearing?" sabi ni Telle
"Obvious ba .. edi damit!"
"Ano bang nangyayari sayo.. bat ka natotopak?" sabi ni Nadine
"Baka gawa nung pagkaumpog, You should consult a doctor." sabi ni Lawrence
MUKHA BA AKONG MAY TOPAK? Kung walang benda to sa balikat inupakan ko na to eh...
Dumating naman yung magpinsan... nanlaki ang mga mata nila.
"WOAH! Beb, bat ganyan suot mo?" sabi ni Peter
BINABASA MO ANG
The Naughty Ghost
Teen FictionHindi po siya horror! Medyo lang xD Read nalang po :) Let's share love ang happiness :) “We are not human beings on a spiritual journey. We are spiritual beings on a human journey.” Stephen R. Covey “How much truth can a spirit bear, how much trut...