Sensei

50 1 0
                                    

Real Hailey

"Am I dead?" tanong ko kay April

"No" sagot niya

Grabe ganito pala ang itsura ng isang multo. Hindi katulad ng mga nasa horror movies na nakakatakot. In fact, they're so calm. Parang isang taong walang problema. Walang buhay.

"Bakit ako nakahiwalay sa katawan ko?"

"Uhmmm... it's complicated"

Ba namang tanong yan? Relationship status ba! Desperado ako sa sagot.

"I'll understand. Tell me evereything"

"Sige. First of all.. di ka pa patay. You're a spirit. Kaya ka lang naman nakahiwalay sa katawan mo ay dahil may ibang nasa loob nun"

WHAT! Kaya pala di ko macontrol.. may ibang gumagamit sa katawan ko!

"Pano naman nangyari yun?"

"Malay ko. Ano bang nangyari bago maramdaman ang paghiwalay mo sa katawan mo"

Ano nga ba? Nasa CR kami ni Telle. Nakakakilabot. Tas may nakita ako...

"I saw someone... pero sure ako hindi siya tao"

In fact she looks like a ghost. Just like the ambience sa nakikita ko kay April.

They wear human clothes hindi yung pang white lady. Medyo bagets nga ang porma ni April eh... hindi sila ganon ka nakakatakot... they're normal. But dead.

"Siya ang pumasok sa katawan mo"

"PANO NANGYARI YUN? PANO AKO MAKAKABALIK SA KATAWAN KO?"

She looked away.

"eh.... actually I don't know"

"AKALA KO BA KAGAYA KITA! PANONG DI MO ALAM?"

"Kalma.. kasi naman malay ko ba diyan. Ikaw kasi nakahiwalay ka sa kawatan mo.... buhay ka pa. Ako patay na"

Di ko naiintindihan

"Huh?"

"I'm dead. Wala na akong babalikan at wala akong balak pumasok sa katawan ng iba"

"Tae naman! Sa dinami-daming katawan bat yung akin pa!" I exclaimed

"Baka kasi ginambala mo siya sa teritoryo niya."

"Teritoryo?"

"Yup. All dead spirits have their territories. At dapat di sila ginagambala"

Kung ganon edi ang teritoryo nung sumapi sakin ay yung banyo.... ako kaya saan?

"San naman ang akin?"

"Bingi ka ba? Di ka pa nga patay! Ang mga patay sa teritoryo lang nila.. di sila makakaalis hanggat di sila kinukuha ng itaas or ibaba. Since buhay ka pa,wala kang teritoryo... free kang gumala-gala"

Ahhh... may advantage pala to. Makakapag-spy ako. Malalaman ko na kung type din ba ni Clark si Telle.. or kung crush ba ni Nadine si Rence. Harhar!

Teka.. di ba patay na to... edi..

"Teritoryo mo ba ang kwarto ko?"

"Ahh.. Yes!"

"Teka bat dito... anong basis ng pagpili ng teritoryo"

"Anywhere significant... kung san ka namatay or kung san ka masaya.... ganun"

"Napatay ka ba sa kwarto ko?"

The Naughty GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon