Hailey's Body
Shocks ano ba yung ginawa ko? Nakaguilty naman oh...
Nasaan na ba kasi si Hailey? Bat di pa siya bumalik sa katawan niya...
Binibigay na ba niya to sakin?
Teka.. san ba ako papunta.. bat ba ako lakad ng lakad? Di ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na! Wala akong pakealam!
"Hailey!" may sumigaw
"Hoy! Hailey!"
Nasan na ba yung si Hailey? Bat di pa sumagot. Ang ingay nung babae oh.
Ay teka.. ako nga. Lumingon ako at nandun yung pandak na asungot.
"Bakit?"
"Saan ka pupunta?"
Ahh.. saan nga ba? Di ko rin alam eh
"Wala kang pakealam!"
"Tsk. Papunta ka na sa garahe.. balik na tayo dun!"
Sige na nga. Tutal di ko naman alam pabalik sa bahay KO. Este nung may-ari nung katawang to.
Naglakad siya sinundan ko naman... nakabalik na kami sa loob ng bahay.
Nandun silang lahat. Mga tamad! Wala atang balak pumasok tong mga to eh...
"Saan ka galing? Nasaan si Peter?" tanong ni Thomas pogi
"Ewan" sabi ko
"Nag-away ba kayo?" tanong naman ni Nadine
Naku mga echosera.
"Ewan" umalis na ako iintrigahin ako dito.
Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga. Tss. Kay lambot na kama. Sa Batangas kasi wala kaming gantong kama. Yung kutson namin gutay-gutay na.
Tumalon talon ako. Kasi naman para namang nakagawa ako ng kasalanan neto... Nakakakonsensya.
Pero kung iisipin mo... huling pagkakataon ko na to eh. Patay na ako... sa di malamang dahilan nabuhay pa ako. Susulitin ko na diba?
Tama susulitin ko na.. gagawin ko na ang gusto ko.
"Ang galing mo talaga Ara!!" sabi ko sa salamin.
At dahil wala na akong pakialam... matutulog ako. Antagal ko atang hindi nakatulog no.
Tok. Tok. Tok.
Ano ba yan! Buisit naman oh! Nakakainis. Kitang natutulog tong tao eh...
"Hailey, buksan mo nga to!!" sigaw ni Nadine
Talakera talaga.
"Hail!! Open!!" sigaw naman ni Christelle
Kinalabog nila nang kinalabog yung pinto. Kawawa naman.
"Oo na! Maghintay!" sigaw ko.
Bumangon na ako. Binukasan ko agad ang pinto.
"Ano ba? Natutulog ako nambubulabog kayo." sabi ko
Bagong gising eh.. may karapatang magtaray.
"Aba.. may gana ka pang matulog ah" pagtataray ni Nadine
"Malamang kailangan ko ng energy kaya ako natutulog. Di mo ba alam yun? Palibhasa puro ka kopya kay Lawrence eh" sabi ko
"Sumosobra ka na ah... " akmang susugurin na ako pero pinigilan siya ni Lawrence
BINABASA MO ANG
The Naughty Ghost
Novela JuvenilHindi po siya horror! Medyo lang xD Read nalang po :) Let's share love ang happiness :) “We are not human beings on a spiritual journey. We are spiritual beings on a human journey.” Stephen R. Covey “How much truth can a spirit bear, how much trut...