Real Hailey
"Thank You so much, Sensei... hulog ka ng langit!"
sabi ko tuwang tuwa pa... ansaya kasi..
"Hoy! Wag kang matuwa diyan! Walisin mo yan!" sabi niya
"Ehh.. ayoko nga"
"Kasalanan mo yan.. kaya ikaw magwalis"
"Ayaw. Di ko naman sinasadya yun eh"
"Kahit na. Ikaw pa rin nakabasag. Walisin mo na bilis!"
"Hmf. Bahala ka diyan."
"Bahala pala ah... eh kung di kita pabalikin sa katawan mo!"
Blackmailer.
"Opo eto na po.. wawalisin kona.. Ikaw naman sensei di ka naman mabiro!"
Kinuha ko yung walis at dustpan tas winalis na yung basag na baso.
Oh.. ha! Madali lang pala i-thicken ang molecular density eh. Mabilis akong nakakaramdam ng bagay-bagay.
Ansaya ng feeling. Nakangiti ako na ngawawalis... tas napaisip ako.
"Masusugat ba ko dito?" curious kong tanong
"Tanga ka ba? Tingin mo may katawan ka pa?"
"Sabi ko nga. Sunget. Natanga pa tuloy ako." syempre bulong ko yun.
"Anong binubulong-bulong mo diyan?"
"Wala po.. sabi ko nga po itatapon ko na tong mga bubog"
Itatapon ko na yung bubog.. kaso nacurious talaga ako eh.
Kaya kumuha ako ng bubog.. itatry ko lang kung masusugat ako.
"Hoy! Shunga lang? Wala kang katawan!"
tinaasan ako ng kilay. Aray naman.
"Itapon mo na yan... baka maabutan ka pa"
Padabog kong binalik yung bubog. Bad Trip. Minsan lang naman eh.
Padabog kong tinapon yung mga bubog sa basurahan. Para naman magets niya na bad trip ako.
"Nads kasi, maniwala nga kayo... may multo sa kitchen!" rinig kong sabi ni Telle.
Nagulat ako kaya naman nabitawan ko yung walis at dustpan...
Oops. Lagot.
"Oh diba... sabi sa inyo eh.. may nabasag na baso diyan.. tamo... nilinis nung multo" sabi ni Telle
"Telle naman! Baka si manang lang yun.. balik na tayo dun oh nagdadrama si Peter" sabi ni Nadine.
"Eh.. may multo nga..."
"Walang multo... imagination mo lang yun! Tara na!"
Hinila este binalasubas ni Nadine si Christelle. Umalis na sila.
Lumapit si Sensei tsaka pinitik yung ulo ko. Naramdaman ko yung presence pero hindi masakit. Naramdaman ko lang talaga. Parang may buhay.
"Pasaway" sabi niya.
Umalis na siya. Naiwan ako...
Tas nawala sa isip ko yung katawan ko... san na naman ba kasi pinagdadala nung impakta yun ang aking maladyosang katawan.
Sa kakaisip ko... bigla ko nalang namaliktaan na nasa kotse ako ni Thomas... at aba... nandun yung katawan ko. Mga takas. Grounded kaya sila.
Bumaba sila... nakaisip ako ng bright ideaaa!
BINABASA MO ANG
The Naughty Ghost
Teen FictionHindi po siya horror! Medyo lang xD Read nalang po :) Let's share love ang happiness :) “We are not human beings on a spiritual journey. We are spiritual beings on a human journey.” Stephen R. Covey “How much truth can a spirit bear, how much trut...