Chapter 1

23.6K 347 5
                                    

Nakatutok na naman siya sa kanyang laptop.

Madalas ngang pinagsasabihan siya ng kanyang ina na kailangan nya rin daw na maghanap ng mapapasukan,

Nasa 24 na siya pero wala daw siyang ginawa kundi ang laptop ang kanyang kaharap.

Wala naman kasing alam ang mama nya,ang alam nito kung sinu-sino ang kachat nya na wala namang kwenta.

Maghapong nakatutok sa facebook na wala naman daw siyang mapapala.Puro facebook at Instagram sa laptop at sa mobile phone.

Manganingani nyang sabihing meron naman.

Atleast nadagdagan ang friends nya sa fb.

Wala naman siyang ibang friends kundi si kim at Marian na ewan kung saang lupalop nagpapakabusy.

Malamang boy hunting/wanted jowa pinagkakaabalahan ng mga bruha.

Nagbabayad siya sa kanyang laptop dahil na rin sa kanyang mga sinusulat.

Sa dami ng sinulat nya nganga pa rin siya.Feeling nya parang walang sense mga sinusulat nya pero sige pa rin siya.

Paano ba naman kasi kung kailan lang nya maisipan at pag nasa mood siya nakapagsusulat.

Pangarap nyang maging writer pero ni isa wala pa siyang naipasa na munuscript sa isang publishing.

Takot kasi siyang mareject not only to her munuscript but in other things.Masakit kasing mareject di pa nga nya na try ito at nega na siya.Idagdag pa na ilan lang ang kaibigan nya at pili lang.

"Celine! Ano ba matagal ka pa ba?" sigaw ng kanyang mama.

"Ma naman maliligo pa nga lang ako eh...hmm..ipasundo mo na lang kaya ako kay Nick ma?"

"Hay naku!kaya nga sa Ninang Carmen mo kita ibinilin para di ako nag aalala sayo."

"Ma matanda na ko para intindihin pa."

"Pwede naman na dito muna ako sa bahay kaya ko naman."angal nya.

"Wala na dapat pang pagtatalunan tungkol sa bagay na yan.Please lang bilisan mo at baka mainip ang sundo mo!"

"Si Nick ma?" biglang naexcite na baka ang binata ang sumundo sa kanya.

Inirapan siya ng ina.

"No his bestfriend."

"Bestfriend?da hu?"

"Sabunutan kaya kita dyan bakit mga naging girlfriend ni Nick kilala mo,eh yong bestfriend pa kaya nya.

"Natural si William sino pa ba?naasar na sagot ng kanyang ina.

"Hmmp...makaligo na nga.."aniya na tinungo ang banyo.

"Bilisan mo naiinip na yong tao sa kahihintay sayo."sigaw ng mama nya.

"Maghintay siya,walang may paki sa kanya.Mamuti na ang mata nya sa kahihintay,ginusto nya yan."

Sinadya pa nyang tagalan ang kilos para maasar ang binata at magbago isip at si Nick na ang sumundo sa kanya.

Well gwapo rin naman si William kaya nga lang masyadong epal at kontra sa kanya ang binata mula umpisa ng makilala nya itong best friend ni Nick.

Lahat ng galaw nya binabantayan kaya naiinis siya sa lalaking yon.

Nakakainis pa may girlfriend naman ito pero siya yong laging binabantayan.

Parehas silang nakakainis ng girlfriend nito magsama sila.Pag nakikita nyang magkasama ang dalawa parang gusto nyang pagbuhulin sa inis.

"Hmmm......bahala ka sa buhay mo.Parehong mamumuti ang mata nyo ng girlfriend mo maghintay."ani Celine habang naliligo.

Someone like You  (William&Celine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon