Nagtxt si Celine kay William na kakausapin nya ito at pupuntahan nya ang binata.Gusto nyang magkausap sila at magkaliwanagan.
Nakatanggap naman siya ng reply dito pero simpleng ok lang.
Matapos magbihis at palakasin ang loob lumabas na ng bahay ang dalaga at nag abang ng taxi.
Medyo natagalan pa siya dahil walang nagdadaan na taxi.
Pagdating nya sa bahay ng binata pinatuloy siya ni Manang Cora.
Sinabihan siya nitong puntahan na lang nya ang binata sa kwarto nito at natutulog pa daw.
Nagpasalamat siya sa mabait na ginang.
Hindi na siya kumatok dahil nakaawang ng bahagya ang pinto ng kwarto nito.
"William"tawag nya dito at pumasok sa loob.
Natagilan siya dahil may katabi ito sa kama.
Parehong nakahubad ang mga ito sa ibabaw ng kama,ibabang bahagi lang ang natatakpan kaya alam nyang may nangyari sa dalawa.
Nakayakap pa ang mga braso ng binata kay Nathalie.
Agad tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
Ni hindi man lang nagising ang dalawa.
Parehong natutulog ang mga ito.
Nagmamadaling lumabas si Celine sa kwarto ng binata na umiiyak.
Nasalubong pa nya si Aling Cora.
"O Celine bakit ganyan itsura mo?bakit ka umiiyak?nag away ba kayo ni William?"tanong nito sa dalaga.
"Sige ho aling Cora aalis na ho ako,salamat."paalam nya sa mayordoma ng bahay habang umiiyak.Wala na siyang pakialam kung makita siya nitong umiiyak.
Nagmamadaling makaalis sa bahay ng mga ito.
Mabuti na lang at may dumaang taxi na walang sakay.
Napabalikwas ngaman ng bangon si William ng makitang katabi nya si Nathalie.
"What are you doing here in my room?"sigaw nya sa babaeng katabi.
"Hey matapos ang nangyari sa tin kagabi ganyan ang sasabihin mo sa kin?"ani Nathalie na hindi man lang tinakpan ang hubad na katawan.
"Shit!Wala akong natatandaan na may nangyari sa tin.
I rememberd I was in the bar last night with Fernando kaya please lang,wag mo ng bilugin ang ulo ko,Kahit lasing na lasing ako alam ko sa sarili ko kung nakipag sex ako o hindi."galit na nasabi nya sa dalaga.
Biglang pumasok ang mama nito dahil bukas ang pinto.
"Hey son,nawala na ba ang pagiging gentleman mo at ganyan ang trato mo kay Nathalie."
Saka lang kumilos na takpan ang kahubaran ng dalaga ng pumasok ang ina ng binata.
"It seems na may nangyari sa inyo na dapat lang na panagutan mo hindi ba?"
"Mama please lang wag kang makialam dito.
Ako ang may katawan kaya alam ko."
Hindi na nga siya makagulapay sa sobrang kalasingan yon pa kayang makipagsex sa babae.
Makikipagtalo pa sana siya sa Mama nya ng makitang hinihimas nito ang dibdib na para bang nahihirapang huminga.
Inis na hinablot ang bathrob na nakapatong lang sa isang upuan at dumiretso sa banyo.
BINABASA MO ANG
Someone like You (William&Celine)
RomanceTeaser; Celine is a happy go lucky girl na madalas na laging na nakabuntot kay Nick. Inaanak siya ng mommy ni Nick kaya kahit ayaw ng binata ay wala itong magawa kundi ang pagbigyan siya. Mula ng mag high school siya naging crush na nya ang binata. ...