Hindi siya nakasama sa usapan nila ni Kim,paano ba naman kasi si William ang nakasagot ng tawag.
Sinabi nito kay Kim na tulog pa siya.
May flight kasi ito kinabukasan kaya mas gusto nitong silang dalawa ang magkasama sa buong maghapon.
Nagkita sila ni Tita Loraine sa agency kasama nito si Nathalie,hindi man lang siya pinansin nito.
Kahit nakangiting binati nya ang ginang.
Tinaasan lang siya ng kilay ng kasama nitong dalaga.
Mas kinausap pa nito ang kasama nyang si Maricon kahit abala rin sa trabaho nito ang dalaga.
May inasikaso ang mga ito dahil may balak atang mag travel ang dalawa.
Hinayaan na lang nya ang mga ito.
Siya na ang tumapos sa ginagawa ni Maricon.
Hindi nya alam kung bakit hindi siya gusto ng ina ni William.
Una pa lang mainit na ang dugo nito sa kanya.
Kahit hindi nito sabihin ang bagay na yon lantaran namang pinararamdam nito ang pagka disgusto nito sa kanya para sa anak.
Mas prepared pa nito ang kasamang dalaga na si Nathalie.
Asar din ang dalaga sa kanya dahil mas pinili ng binata ang simpleng tulad nya kaysa sa isang tulad nito.
Pagdating sa mga babae parang ang dami nyang kaagaw kay William,sabihin ng girlfriend na siya ng binata.
O mas tamang insecure lang siya sa mga babaeng nagdaan sa buhay nito?
Lalo na ang Mama ng binata na isa sa hadlang sa kanilang dalawa.
Nahihirapan din naman siya sa situation nya para sa lalaki at sa ina nito.
Mas tama sigurong matuwa ang mama nito kung iiwan nya ang anak nito at ang layuan.
Hindi nga ba at iniwasan na nya ang binata,pero humantong na naging sila na.
Naghalfday lang siya sa trabaho dahil biglang sumakit ang kanyang ulo.
Gusto nyang mag isip ng matino kung tama bang ituloy nya ang pakikipag relasyon sa binata.
Nakatanggap siya ng tawag kay Tita Loraine.Magkita daw sila sa nabanggit nitong restaurant.
Hindi nya malaman kung anong mararamdaman.Kung matutuwa ba o kakabahan dahil first time na gusto siyang makausap nito.
Wala ang anak nito dahil ilang araw din itong mawawala dahil sa schedule ng flight ng binata patungong New york.
Ayaw nyang malate sa usapan nila ng ginang.
Mas nauna pa siyang dumating at umorder ng ice tea dahil medyo kinabahan siya.Hindi lang medyo talagang kabado siya sa pakikipag usap dito.
Hindi nya alam kung anong kailangan nito sa kanya.
Nang dumating ang ina ni William,kung anong order nya siya ring order nito at hindi na nagpaligoy ligoy pa.
"I want to talk about you and my son.
Siguro naman ay hindi lingid sa kaalaman mo na I dont like you for my son right Celine?
Hindi siya kumibo hinayaan nya lang ang ginang ang magsalita.
I want Nathalie for William at alam mo yan.Hindi ikaw ang babaeng nababagay para sa anak ko.I want my son William to marry Nathalie as soon as possible and hindi na ko magpapaligoy ligoy pa I want you to stay away from William.
![](https://img.wattpad.com/cover/46300402-288-k577022.jpg)
BINABASA MO ANG
Someone like You (William&Celine)
RomanceTeaser; Celine is a happy go lucky girl na madalas na laging na nakabuntot kay Nick. Inaanak siya ng mommy ni Nick kaya kahit ayaw ng binata ay wala itong magawa kundi ang pagbigyan siya. Mula ng mag high school siya naging crush na nya ang binata. ...