Chapter 18

9.8K 284 6
                                    

Hindi malaman ni Loraine kung tamang ipaalam pa sa kanyang anak ang nalaman.

Simula ng malaman nitong umalis ng bansa ang dalaga ay hindi na rin ito umuwi sa kanilang bahay ang kanyang anak.Madalang na rin siyang kausapin nito.

Hindi nya gustong pati ang nag iisang anak nya ay malalayo ang loob sa kanya.

Hindi rin magugustuhan ng asawa nya kung pati ang sariling anak nya ay kinakalaban nya.

Galing siya sa isang saloon at medyo ginabi na siya ng uwi dahil napasarap ang kwentuhan nila ng kanyang kaibigan.

Pasakay na sana siya sa kanyang kotse ng mamataan ang kotse ni Nathalie sa di kalayuan ng parking area.

Walang gaanong tao sa nasabing parking na kinaroroonan ng kotse ng dalaga.

Dahil gustong gusto nya si Nathalie para sa anak naisipan nyang lapitan ito at kumustahin.Isang linggong nawala ang dalaga dahil sa fashion show nito.

Si Nathalie ang nagbigay sa kanya ng mga larawan kaya lalong inayawan nya ang dalaga.Madalas na hindi magaganda ang naririnig nya tungkol kay Celine na kadalasan na kwento ni Nathalie.

Lumapit siya sa kotse ng dalaga,mukhang hindi siya napansin nito at nakita nyang may kasama sa loob ito.

Tatalikod at aalis na sana siya ng may mapansing kakaiba sa mga ito.

Napatakip ang palad nya sa bibig wag lang mapasinghap sa tagpong nakita.

"Oh my god!Si Nathalie nga ba ang babaeng nasa loob?"anang isip nya.

Pero maliwanag naman na boses ng dalaga ang naririnig nya.

Nagmake out ang dalawa sa loob ng kotse nito.

Hindi malinaw sa kanya kung sino ang lalaking kasama nito.

Tented ang salamin ng kotse ng dalaga pero bukas naman ang pinto kaya kitang kita nya ang milagrong ginagawa ng mga ito.

Halos nakababa na ang damit ng dalaga.

Walang ingay na umalis ang ginang sa kinapaparadahan ng kotse ni Nathalie.

Nadismaya siya sa nakita.

Siguradong hindi ang anak nya ang kasama nito,paano na lang pala kung ang anak nya ang napangasawa ng nito?

Hindi pa kinakasal ang babae sa anak nya pero nagagawa ng manlalaki.

At hindi na nahiya sa isang public place pa nagmemake out ang dalawa.

She dont like Celine pero hindi nya alam kung may katotohanan ba ang mga sinasabi sa kanya ni Nathalie.

Hindi nya alam kung papaniwalaan pa nya ang mga sinabi ng dalaga.

Alam nyang mahal ng anak si Celine at alam nyang galit sa kanya ang kanyang anak.

Pero babawi siya dito.

Pinatingnan nya sa mga expert ang mga larawang pinakita sa kanya ni Nathalie at napag alaman nyan ang babaeng nasa larawan ay ito mismo at hindi si Celine.

Napansin nya rin ang maliit na tattoo nito sa likod na madalas nyang makita sa klase ng mga suot ng dalaga.

Napatunayan nyang nagsinungaling sa kanya ang babae.

Iniisip rin naman nya ang kapakanan ng kanyang anak.

Kung ganitong klase ng babae ang mapapangasawa ng kanyang anak ay hindi siya papayag.

Pinacancelled nya ang lahat ng inasikaso nilang kasal para dito.

Inaasahan na nyang kakausapin siya ng dalaga sa ginawang pag cancel sa lahat ng kanilang appointment para sa kasal.

Someone like You  (William&Celine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon