"Celine open the door!We need to talk"sigaw ni William sa labas ng pinto."Thats enough William get out of here I dont want to see your face anymore!"sigaw nya.
Hinayaan nyang mapagod sa kakasigaw sa labas ng bahay si William.
Hindi ito makakapasok dahil pinapalitan na nya ang lock ng pintuan.
Umiiyak siya na nakaupo sa likod ng pintuan,wala na atang sasakit pa sa pambibintang ng binata sa kanya.Iniisip nitong nagawa nyang manglalaki habang wala ito.
Mas masakit ang paratang nito dahil walang katotohanan ang mga pinakita nitong mga larawan.
Binabaligtad pa siya nito samantalang harap harapan ang panluluko nito.
Nakapublished sa madla ang pagpapakasal nito sa babaeng madalas sabihin nitong hindi nito gusto.
Huling iyak na nya ito sa binata dahil kahit mahirap gawin ay kakalimutan na nyang nakilala nya ito.
Bago pa siya umalis ng bansa humiling ang kanyang Ninang Carmen na samahan siya sa isang foundation na project nito.
Isang celebration ang gaganapin para sa isang bahay ampunan.
Pinagbigyan naman nya ang butihing ginang na mahal na mahal nya.Total isang araw lang naman at paalis na rin siya.
Tinulungan naman nya ito sa pag aasikaso sa mga ibang bisita para sa okasyong yon.
Hindi nya kilala ang mga taong nakakasalamuha.
Nagpaalam muna siya sa Ninang Carmen nya na magpapahangin lang sa labas dahil biglang sumama ang kanyang pakiramdam.
Naglakad lakad siya sa may garden ng makaramdam ng hilo.Napahinto siya sa dami ng mga taong nakakahalubilo kaya ganun ang kanyang pakiramdam.
Parang kumapit na ata ang sangsang ng amoy ng pabango ng isa sa mga bisita kaya lalo pa siyang nahilo.
Pinagpawisan siya ng malamig at biglang nagdilim ang paningin.
Buti na lang at may nakasagip sa kanya bago siya bumagsak sa sahig.
Natatarantang tumawag siya ng ibang tutulong sa kanya dahil hindi nya kakayaning buhatin ang dalaga.
Wala pa namang katao tao sa may harden at nasa kabilang panig ang okasyon.
Tinawagan nya ang driver nya na agad namang nakalapit sa kanila.
Dinala nila ang dalaga sa isang malapit na clinic na nakita nila.
Kung hindi nya nasalo ang dalaga kanina baka tumama ang ulo nito samalaking bato.
Dapat kanina nya pa iniwan ang dalaga ng madala sa clinic na ito.Hindi naman nya magawang iwan ito at nag alala siya bigla baka kung napaano na ito.
Kinausap nya ang Doctor na tumingin dito bago nya iniwan ang dalaga.
Pinagbilinan na lang nya ang asistant ng Doctor na bantayan ito hanggang sa magising dahil may kailangan pa siyang asikasuhin sa foundation na inaasikaso nila.
Nagising siya sa hindi pamilyar na maliit na kwarto.
Tama ang hinala nya na isang clinic yon dahil puro puti ang nakikita nya.
Naalala nyang bigla siyang nahilo habang naglilibot sa harden.
Sinabi ng nagisnan nyang babae na umalis na daw ang naghatid sa kanya sa clinic na yon at may aasikasuhin pa.
Inabot nito sa kanya ang mga gamot na binili ng babaeng tumulong sa kanya.
Inumin daw nya yong mga vitamins.
BINABASA MO ANG
Someone like You (William&Celine)
RomansaTeaser; Celine is a happy go lucky girl na madalas na laging na nakabuntot kay Nick. Inaanak siya ng mommy ni Nick kaya kahit ayaw ng binata ay wala itong magawa kundi ang pagbigyan siya. Mula ng mag high school siya naging crush na nya ang binata. ...