Tama bang layuan nya ang nobyo dahil lang sa ayaw sa kanya ng ina nito?
Makakaya ba nyang iwan ito para lang sa babaeng mas nais ipakasal ng ina ng binata?
At nasasaktan siya sa nalaman.
Hindi nya kayang sundin ang gusto ni Tita Loraine dahil mahal nya ang anak nito.
Matagal ng lumipas ang kabaliwan nya kay Nick.
Mas mababaliw siya kung iiwan nya ang lalaking minamahal nya,ng mas higit sa akala nyang pagmamahal na inukol nya kay Nick.
She needs to talk William first para ipaalam ang sinabi ng mama nya.Gusto nyang malaman ang totoo.Kung totoong balak nitong pakasalan ang babaeng yon.
May usapan sila ni William na magkikita at para na rin lumabas.
Ilang oras na siyang naghihintay dito,never pa namang na late ito sa usapan nila.
Hindi siya nakatiis at tinawagan nya ang phone nito.
"Hello"boses babae at pamilyar ang boses nito.
"Where's William?at bakit ikaw ang sumagot?bakit nasayo ang cp nya?"sunod sunod na tanong nya sa kausap.
Tumawa lang ang babae sa kabilang linya na parang nang iinis.
"Oh,sorry dear he asked me to answered this call.At siya nga pala naliligo pa siya but sorry to say mukhang hindi yata matutuloy ang lakad nyo.
May lakad kasi kami kasama si Mama Loraine.
Sige ha bye!"paalam nito na parang nang iinis ang ngiti kung makikita nya lang sana ang kausap.
Nag ngingitngit siya sa inis at nagseselos siya.
Siya ang girlfriend nito pero mas inuna nitong samahan sa lakad ang babaeng yon.
O baka naman pakana na rin ito ng ina ng binata.
Dahil mas gusto nito ang Nathalie na yon kesa sa kanya.
Hindi na nga siya pumasok sa trabaho nya dahil may usapan sila.
Ayaw naman nyang mag stay sa bahay maghapon dahil baka maiyak lang siya.
Tinawagan nya si Kim at Nel pero wala din si Kim at pinuntahan daw si Diego sa race track ayon sa katulong na nakausap nya.
Wala rin si Nel dahil isinama ni Nick sa resort nito sa Pangasinan.
Mag isa siyang naglibot sa mall para magpalipas ng oras.
Buti na lang at tumawag si Marian sa kanya off daw nito bilang maid ni JL kaya nagkita na lang sila sa Fairview Terraces.
Hindi nagtagal lumipat sila ng ibang mall.Gugulin nila ang buong maghapon sa loob ng mall.
Gusto nya pag uwi nya hindi na siya mag isip ng kung anu-ano dahil siya lang naman ang masasaktan.
Sa kanilang dalawa ni Marian ito lang ang daldal ng daldal.
Usually mga kwentong bida ang crush nitong si JL.
Gasgas na nga sa pandinig nya,samantalang itong si JL ni pangalan ni Marian wala siyang narinig dito.
Kumakain sila ng ice cream habang naglalakad ng makita ang dalawang pareha sa isang sikat na jewelry store.
Hindi siya pwedeng magkamali dahil ilang dipa lang ang layo nila sa lugar ng mga ito.
Parang biglang nanikip ang dibdib nya sa nakita.
Obvious na pumipili ng singsing ang mga ito.
Hindi nya nagustuhan ang nakikita.
BINABASA MO ANG
Someone like You (William&Celine)
RomanceTeaser; Celine is a happy go lucky girl na madalas na laging na nakabuntot kay Nick. Inaanak siya ng mommy ni Nick kaya kahit ayaw ng binata ay wala itong magawa kundi ang pagbigyan siya. Mula ng mag high school siya naging crush na nya ang binata. ...
