Nasa counter bar ng kanilang bahay at umiinom si William ng lapitan ng ina.Handa na siyang sabihin sa anak ang nalalaman nya kung ito ang paraan na upang magkaayos silang mag ina at mahanap nito ang dalaga.
"Pwede bang tigilan mo na yang kakainom mo?"anito sa anak ng lapitan nya.
Hindi ito pinansin ng binata at tinungga ang laman ng alak na nasa baso.
"Hindi mo pa rin ba ako kakausapin anak?
Pinakansel ko na ang kasal nyo ni Nathalie."
"Dapat lang Mama dahil kahit ilang ulit nyong ipilit hindi ko siya pakakasalan,you know I dont love her.Alam nyo namang hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
You know naman Ma na kung sinong babae ang mahal ko at wala akong magagawa kung hindi nyo siya gusto."
"Now I realized na maling hinusgahan ko si Celine.Alam ko namang nagkamali ako anak napaniwala ako ni Nathalie sa mga kasinungalingan nya.
I hope you can forgive me son.
Naniwala agad ako sa mga sinabi at sa mga larawang pinapakita sa kin ni Nathalie.
Sana mapatawad mo ako,for now on kung sinong gusto mo hindi ko na pakikialam."anang ina ng binata.
"If you want Celine find her hindi yong alak ang inaatupag mo."anito sa binata na may inilapag na mga papel sa harap nito.
"What's this?"tanong ni William sa ina.
"Look for yourself"anito na nakangiti.
Its a medical result ng minsang dalhin nya sa clinic ang dalaga ng mawalan ng malay,at ang address nito sa North Carolina na hiningi nya pa sa kaibigang si Carmen.
Hindi maalis ang kaniyang paningin sa hawak na papel.Hindi nya alam kung anong mararamdaman.Natutuwa na naiiyak siya sa nalaman.
"Is this real Ma?"hindi makapaniwalang tanong nito sa ina.
"Yes son and Im happy for this.
Ako ang nagdala sa kanya sa clinic pero iniwan ko siya ng masiguradong okay naman siya.
Kinausap ko ang Doctor na tumingin sa kanya kaya nakakasigurado ako.
Ngayon pa lang natutuwa na kong mahanap mo siya."anito sa anak na yumakap dito.
Hindi kasi lingid dito na umalis ng bansa ang dalaga.
"I cant believe this Ma,pati si Papa matutuwa pag nalaman nya to"anito na hawak pa rin ang papel na yon.
"Sinabi mo pa anak baka nga mas excited pa yon kesa sa yo pag nalaman nyang magkakaapo na siya.
Parang ngayon pa lang excited na kong mamili ng mga damit ng baby."
Masaya siya sa nakikita at pati ang kanyang mama ay excited at magkakaroon na sila ng baby,the problem is kailangan nyang puntahan ang dalaga sa North Carolina.
Alam nyang galit na galit ito sa kanya ng huli silang magkita at magkausap.
Aminado namang kasalanan nya rin dahil hindi siya nagtiwala dito.Hihingi siya ng tawad sa mga nagawa nya.
Nakipagpalit si William ng schedule sa co-pilot nya para mapuntahan si Celine sa address nito sa North Carolina.
Pero nabadtrip siya ng hindi matagpuan ang dalaga sa address nito.
Ayon sa nakausap nya nakabili daw ng mas malaking lupa at bahay ang pamilyang nakatira doon at lumipat na mga ilang buwan na ang nakaraan.
Saang lupalop naman ng North Carolina nya ito hahanapin.
BINABASA MO ANG
Someone like You (William&Celine)
RomanceTeaser; Celine is a happy go lucky girl na madalas na laging na nakabuntot kay Nick. Inaanak siya ng mommy ni Nick kaya kahit ayaw ng binata ay wala itong magawa kundi ang pagbigyan siya. Mula ng mag high school siya naging crush na nya ang binata. ...
