Matapos nilang kumain at mamasyal sa kung saan saan.
Dinala siya ni William sa bahay nito.
"Bakit dito mo ko dinala?"tanong nya dito ng iparada nito ang kotse sa garahe.
"Tinawagan ako ni Mama na sabay na kaming magdidinner,alam mo naman madalang lang kaming magkasabay nun,dahil sa schedule ng flight ko."
"Yon naman pala,bakit sinama mo pa ako dito?Alam mo namang ayaw sa kin ng Mama mo."
"Wag mo na lang pansinin si Mama,ganun lang yon pero mabait naman siya.Isa pa gusto ko rin namang makasama ka."
"Pero William....
"No more buts babe ok,"anito na bumaba ng sasakyan at pinagbukas siya ng pinto.
Nag aalangan siyang bumaba ng sasakyan nito,kinakabahan siya sa paghaharap nila ng ginang.
"Com'on babe,hindi ka naman kakagatin ni Mama."
Napilitan siyang bumaba,sa totoo lang kinakabahan siya.
Inakbayan siya ni William habang pumapasok sa loob.
"Are you ok?"tanong nito.
"Mukha ba akong ok?"
Natawa si William at kinabig ang dalaga .He kissed her in the lips na tinugon nya.
Isang tikhim ang nagpahinto sa kanila.
"Ma!"bati nito sa ina at humalik sa pisngi ng ina na hindi man lang nailang kahit nahuli silang naghahalikan.
"Kilala nyo na naman si Celine,but I want you to know that she is my girlfriend already."
"Good evening tita!"alanganing bati nya sa ina ni William.Nahiya siya at kinakabahan at same time.
Ni hindi siya nito nginitian,binalingan nito si William at sinabing ready na ang hapunan.
Akala nila walang ibang bisita ito.Inimbitahan pala ng ina nito si Nathalie.
OP siya sa mga ito hindi nya magawang makisali sa usapan ng mga ito.
Sobrang ilang na ilang siya sa ina nito,samahan pa ng parang linta kung makakapit kay William si Nathalie.
Imbyerna na si Celine naturingan na siya ang girlfriend ni William pero ang babae ang umeepal.
Imbis na ito ang katabi nya sa upuan,ito ang katabi ng binata at siya sa katapat na upuan.
Ito ang panay lagay ng pagkain at nag aasikaso sa binata.
Na ikinatuwa naman ng ina nito.
Nawalan na siya ng gana kaya hindi nya magalaw ang kanyang pagkain.
Nang matapos ang hapunan nagkwentuhan pa ang mga ito sa receiving area,na parang close na close sa isat isa.
Madalas din nyang makitang tumatalim ang tingin nito sa kanya habang nakikipag usap sa ina ni William.
Niyaya siyang magpahangin ni William sa gazebo.
Kung nasa mood lang siya baka natuwa pa siya.
Ang daming ibat ibang bulaklak ang nasa paligid.
Naglipana rin ang mga colorful na butterfly sa mga bulaklak nito.
"Babe,bakit ang tahimik mo naman?kausapin mo naman ako".ani William na niyakap siya.
Sino ba namang hindi maiinlove sa binata kung ganito ito ka sweet.
Hindi siya kumibo,hinayaan nyang ito na lang magsalita ng magsalita.
BINABASA MO ANG
Someone like You (William&Celine)
RomansaTeaser; Celine is a happy go lucky girl na madalas na laging na nakabuntot kay Nick. Inaanak siya ng mommy ni Nick kaya kahit ayaw ng binata ay wala itong magawa kundi ang pagbigyan siya. Mula ng mag high school siya naging crush na nya ang binata. ...