Chapter 15

8.9K 235 0
                                    


Ilang araw na ring hindi nagpapakita sa kanya ang binata.

Parang siya pa ang nakagawa ng hindi maganda dito kung umasta ito.

Dapat siya ang magalit hindi ito.

Matamlay siyang pumasok sa trabaho.

Madalas pa siyang mag OT para palipasin lang ang oras sa trabaho.

Para pag uwi nya hindi na nya maisip kung anong mga dahilan nito.

Abala siya sa harap ng kanyang computer at hindi pansin sina Jorge at Maricon.

"Oh my!Are you sure its real?"singhap ng dalaga sa nabasa.

"I dont know,hindi ko pa siya nakakausap,He is busy for something I dont know.Hindi naman siguro ilalathala yan sa news kung hindi totoo."ani Jorge kay Maricon.

Mahina lang ang mga usapan ng mga ito.

Nag aalala rin na baka marinig nya.

"Kaya pala parang pinagsakluban ng langit at lupa ang isa dyan."ani Maricon.

Hindi nakaligtas sa pandinig nya ang sinabi nito.

Napansin nya rin sa wakas ang usapan ng dalawa na ayaw atang iparinig sa kanya.

Na curious siya sa tinitingnan ng mga ito sa newspaper na hawak ng binata.

Tumayo siya at hinablot ang hawak ng binata.

Kaya pala siya ang pinag uusapan ng mga ito.

Nakalathala sa news ang planong pagpapakasal nina William at Nathalie.

Hindi nya malaman kung anong magiging reaksyon.

Kung matutuwa ba siya,maiinis o magwawala sa galit.Kinuyumos nya ng mahigpit ang newspaper ng hindi namamalayan sa sobrang higpit ng hawak nya.

Its really hurt big time at gusto nyang pag sasampalin si William sa mga nabasa nya.

"Hey are you okay?I swear wala akong kinalaman dito."ani Jorge.

Tahimik siyang bumalik sa kanyang pwesto.Maghapon siyang tahimik lang.

"Girl okay ka lang ba?"concern na tanong ni Maricon sa dalaga.

Pero walang tugon ang babae sa kanya.

"Celine Im here if you want to talk about it.Kaibigan mo rin ako na pwede mong pagsabihan ng sama ng loob."

Tumango na lang siya dito bilang pag sang ayon.

Walang pasok kinabukasan dahil sa bagyong Lando.

Malakas ang hangin at ulan sa labas.

Nakalimutan nya palang mag groceries.

Wala ng stock ng pagkain sa loob ng ref.

Kadalasan sa labas na rin siya kumakain.

Naisipan nyang mag groceries kahit bumabagyo.

Hindi nya alintana ang lakas ng hangin at ng ulan.

Idagdag pa ang lamig ng panahon.

Nag abang siya ng taxi na magdadaan.Pati payong nya tinutupi ng hangin.

"Shit!"hinawakan nya ng maayos ang payong.

Hindi pwedeng hindi siya pupunta sa groceries dahil wala siyang magagamit sa loob ng bahay.

Huminto sa harap nya ang pamilyar na kotse.

Galit na bumaba si William ng makita siya.

"What are you doing?hindi mo ba nakikita ang lakas ng bagyo,ang lakas ng hangin at ulan nagawa mo pang lumabas."

Someone like You  (William&Celine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon