****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental***
P.S. Sorry for the really long wait. Regular na po ulit ang update.
"Mauna na ako"
Tumalikod ako kay Mah-lak-KEE. Natalisod ako ng ilang beses sa aking paglalakad. Ngunit hindi ko magawang punasan ang luha sa aking mga mata dahil sigurado akong nakatingin parin sa akin si Mah-lak-KEE.
Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad papunta sa gate ng eskuwelahan ngunit wala akong narinig na salita mula kay Mah-lak-KEE. Gusto ko mang tumigil upang balikan o di kaya ay tingnan kung ano na ang ginagawa nito ay hindi ko magawa.
"Hindi niya ako magagawang mahalin" bulong ko.
Unti unting bumibigat ang aking paa habang papalayo. Sumagi sa aking isipan ang mga sinabi ni Arayuon-man. Nais kong magsisi na hindi ako naniwala dito ngunit mahal ko parin si Mah-lak-KEE. Mahal ko siya pero hindi niya ako magagawang mahalin ng tunay.
Napailing ako. Ang gulo. Ang dami na ng mga nangyari. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nag eenjoy ako na kasama si Mah-lak-KEE. Ito ang tanging lalaki na minahal ko ng ganito. Nais ko siyang makita at makasama araw araw. Importante pa ba kung mamahalin niya ako ng totoo o hinde? Dapat ko ba talagang isipin ang mga bagay na iyon kung hahadlangan lang nila ang pagmamahal ko?
Marahan kong pinunasan ang aking mukha at sinabunutan ang aking sarili. Bakla ako. Dapat ay matagal ko nang alam na hindi naman ako makakakuha ng tunay na pagmamahal. Masaya na dapat ako na may nagbibigay sa akin ng atensiyon. Atensiyon na galing sa gwapo at matipunong lalake.
"Ano ba ang gagawin ko? Sinong pipiliiin ko? Mahal ko o Mahal ako?"
Tumigil ako sa paglalakad. Babalikan ko si Mah-lak-KEE. Tatanggapin ko kung ano ang kaniyang kayang ibigay. Kung mahal niya ako ngayon ay okay na sa akin kahit hindi niya ako mahalin ng totoo. Basta masaya ako ay sapat na.
Tatakbo sana ako pabalik ng bumangga ako sa katawan nito. Muntikan na akong matumba sa lupa, mabuti na lamang at agad ako nitong nahawakan sa braso kaya hindi nangyari iyon.
"Mah-lak-KEE!" nauutal kong sambit.
Malayo na ako sa pinaggalingan namin kanina. Nasa labas na kami ng botanical garden ngunit hindi ko napansin na sinusundan pala ako nito.
"Steph"
Nakatingala ako ng kaunti dahil may katangkaran sa akin si Mah-lak-KEE. Pero sa posisyong iyon ay kitang kita ko sa kaniyang mga mata ang hirap na kaniyang dinadala.
Walang gustong umimik sa amin. Nakatingin lang kami sa isa't isa.
"Sorry" mahina nitong sambit.
Binigyan ko si Mah-lak-KEE ng nakakaunawang ngiti at hinawakan ang palad nito.
"Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang mali"
Yumuko ito.
"Nasaktan ko na naman ang damdamin mo"
Pinigilan ko ang mapaiyak ng marinig ang mahina nitong paghikbi. Kita ko rin ang paisa isang pag bagsak ng luha sa aming kinatatayuan.
Napaka suwerte kong beki. Nagagawa kong maranasan ang iyakan ng isang gwapong lalaki.
"So hindi mo ako mahal?" tanong ko
"Mahal kita Steph. Mahal na mahal kita"
Kinuha at hinalikan nito ang aking palad. For the first time ay nakita ko ang side ni Mah-lak-KEE na hindi dominante. Para lang itong torpeng lalaking nanunuyo ng babae.
BINABASA MO ANG
Beki Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)
RomanceAko ang maganda.... Ako ang maldita.... Ako ang pinaka taklesa at mapangmataas... Ako ang pinakamagaling ... Ako ang pinakamapanglait.... Ako ang mahilig mag booking ng hombre.... Ako ang nag iisang baklang dapat maging Queen ng lahat At ako.... Ako...
