****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
“Ano na ang gusto mong gawin natin?” tanong ni Mah-lak-KEE na nagpakabog sa aking dibdib.
Nanghihina akong napaupo sa maliit na lamesang nasa tabi ng higaan ng kindatan niya ako. Bigla akong napa sign of the cross ng dahan dahan itong humiga sa papag. Itinaas ang dalawang paa at nakabukakang tumingin sa akin. Tila nang aakit.
Oh my....
Napalunok ako ng gawin niyang unan ang kaniyang isang braso. Samantalang ang isa ay ipinatong niya sa kaniyang kaselanan na basang basa na dahil sa tubig ulan.
Nakatingin si Mah-lak-KEE sa kisame ng kubo habang dahan dahang hinihimas ang kaniyang bahag. Paminsan minsan rin nitong ipinapasok ang kaniyang daliri sa tagiliran dahilan upang lumuwang ng kaunti ang kaniyang suot.
Humigpit ang kapit ng aking kamay sa aking kinauupuan sa pinipigilang damdamin na tulungan siya. Nais ko man kasing sipingan siya ay baka hindi niya matanggap ang katotohanang pareho kaming may ganun sa harapan.
Sa ikli ng panahon na nakilala ko siya, na nakita ko ang lalaki, alam kong may pagka strikto at dignified ang ugali nito. Baka parusahan pa niya ako kung sasampa ako sa papag upang paligayahin siya para malaman lang na pareho kaming lalaki. At ayaw ko pang mamatay noh kapag tinaga niya ako sa gulat.
"Hayyyy stress. What to do!" tanong ko sa aking sarili.
Tumutulo na ang aking laway sa putaheng pupwede kong kainin ngunit hindi maari.
"Ang laway mo tumutulo" anito na napatawa
"Ha?" tanong kong nagulat.
"Baka maubusan ka ng tubig sa katawan sa ginagawa mo" anitong nakatingin parin sa akin.
Para namang kinain ako ng hiya sa kaniyang sinabi. Napayuko na lang ako at kinuha ang maliit na kahoy sa aking gilid. Pinaglaruan ito sa aking kamay na parang stress ball habang marahang pinasadahan ng damit ang aking bibig. Mabuti na ang sigurado. Nakakahiya kung may laway nga ako noh.
Huminga ako ng malalim. Minsan hindi ko maiwasang makaramdam ng feeling na ang cheap ko. Simula kasi ng magkita kami ay talagang super bongga na akong nagpakita sa kaniya ng motibo pero laging nauuwi sa wala. Sa iilang okasyon na magkasama kami, kung hindi niya ako ipinapahiya ay parang bigla akong nakakaramdam ng takot sa kaniyang ugali na pabago bago. Sa lahat ng lalaking aking nakilala, parang siya lang yata ang hinding hindi ko maiintindihan.
Pero heto siya ngayon. Mabait at nang aakit samantalang kaninang umaga lang ay halos okrayin ako na hindi siya papayag na maloko ang kaniyang mga kasamahan.
"Hayy anu ba!" ani ko sa aking sarili na naka kagat labing tumingin sa kaniya. Walang patumanggang hinahaplos haplos ang munting kahoy sa inis.
"Masarap yan kapag nakipatalik ka" anito na itinuro ang aking kamay.
Para lang akong tanga na itinaas ang aking hinihimas. Pinagmasdan ito ng mabuti bago ito inilapag sa lamesa. Lalo akong nakaramdam ng pagkapahiya ng makitang yung kahoy na inilalagay sa pagkalalaki nito ang aking hawak.
"Bakit hindi ka lumipat dito kung gusto mo?" sambit nitong ngumiti. Nang aanyaya ang kaniyang mga matang tumingin sa akin at sa kaniyang hinaharap.
Agad akong lumapit sa kaniya ng tuluyan nitong ihiga ang kaniyang dalawang hita. Mas lalo itong naging yummy dahil bakat na bakat ang kaniyang hinaharap na feeling ko ay gising na.
BINABASA MO ANG
Beki Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)
RomanceAko ang maganda.... Ako ang maldita.... Ako ang pinaka taklesa at mapangmataas... Ako ang pinakamagaling ... Ako ang pinakamapanglait.... Ako ang mahilig mag booking ng hombre.... Ako ang nag iisang baklang dapat maging Queen ng lahat At ako.... Ako...
