Chapter 14 Face OFF

2.6K 114 20
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

"Magtago ka dito. Dali!" 

Pinagmasdan ko ang pobreng bata na nagtatakbo papunta sa ilalim ng isang tulay. Lumusong ito sa maduming tubig na may kung ano anong water lilies sa gilid.

"Ano ba Steph!" sigaw nito sa akin

"Oo na. Susunod na" ani ko na naiinis. 

Tinanggal ko ang aking tsinelas. Kinaluskos ng kaunti ang mumunting shorts na ipinahiram nilang mag ina sa akin. Binasa ng laway ang aking kamay at inayos ang aking buhok bago idinutdot ang aking mga paa sa malamig ngunit nakakatakot na tubig. 

"Sige na ang arte lang eh" sambit ng bata na ikinatawa lang ng kaniyang nanay. 

Napanguso na lang ako. Sinunod ang gusto nito kahit na ba takot ako na baka may linta sa ilog. 

Hay naku. Kung hindi lang kailangan magtago ay never akong pumunta sa ganito kaduming ilog. Wala man akong nakikitang basura katulad ng nasa Manila Bay, marumi parin ito para sa akin dahil sa mga kung ano anong halaman na nasa tubig. 

"Bilisan mo at makikita ka nila!" sambit muli ng bata. 

"Opo. Heto na nga po oh" 

Agad kaming nakapagtago sa ilalim ng tulay. May kalakihan din ito kaya hinding hindi kami makikita. Yun nga lang halos umabot sa aking dibdib ang tubig at may nararamdaman akong umiikot ikot sa aking paa na madulas at may kahabaan din. 

"Bakit ba kayo pa ang nakilala ko!" reklamo ko na tinawanan lang ng magnanay na nakakarga sa isa't isa. 

"Boom Panes lang Steph" sagot ng matanda na ikinatawa ko. 

Simula ng magising ako tatlong araw na ang nakakaraan, ang mag ina na ang naging gabay at mata ko sa paligid dahil simula noon ay patuloy parin ang paghahanap ng mga kawal ni Mah-lak-KEE sa akin. Naikalat na rin nila sa ibang karatig tribo ang aking larawan na babae kaya kahit ayoko man ay hindi ko na maisuot ang aking mga kimono na nasa isang maleta lang na itinago ng mag ina upang hindi ako makilala ng iba. 

Sa kanila ko rin nalaman na hindi katulad ng balangay nila Maganda, may iba na palang balangay sa ibang dako ng Pilipinas noon kung saan nangyayari ang mga barter o palitan ng kalakal. Ibang iba din ang lugar ng tuluyan ko itong masilayan dahil halos kakaunti na lang ang mga lalaking nakasuot ng bahag. Karamihan sa kanila ay mga nakaputong na lamang samantalang malalaking tela na ginawang  shorts ang kanilang pang ibaba. Pansinin din na ang mga kababaihan ay may kaunting class kahit na nakalabas parin ang kanilang mga pribadong katawan. Kumbaga nag level up na sila from normal to normal+. 

"Yumuko ka" ani nanay sa akin.

"Hanapin niyo. Nandito lamang ang impostor na iyon sa paligid" 

Hindi ko na kailangan pang yumuko ng marinig ang ilang kawal na naglalakd sa ibabaw ng tulay dahil ang mag ina na ang naglublob sa akin sa ilog. Nagsabi man sila o hinde ay hindi na importante. Nakainom na ako ng maruming tubig na ng umangat ako ng ulo ay isang nakakagimbal na yellow submarine ang aking nasaksihan. 

"AHhhhhh" 

Iyon sana ang aking isisigaw ng ibusal sa akin ng mag ina ang isang piraso ng kamote na agad ko ring iniluwa. Nababad na kasi ito sa tubig ilog.

"My God! Papatayin niyo ba ako sa germs?" madiin kong bulong ng ambahan nila ako ng sapak kung lalakasan ko ang aking boses. 

"Anong dyerms 'nay?" tanong ng bata na lalo kong ikinainis. 

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon