Chapter 3 I want an Interpreter! Please lang!

4.3K 166 3
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Napahiga ako sa damuhan upang makapagtago ng maayos. Abot hanggang dibdib lang ang mga talahib at kung uupo ako ay baka makita ako ng mga lalaking aeta'ng ito dahil sa aking tangkad.

"P-p-p-a-a-ay" sambit ng babae na yumakap sa akin ng bongga.

"Uu na. Itatago na teh ang mga paa. Kakaloka itechiwa. Paa lang hindi pa masabi"

Umuklo ako ng bongga. Kung maari lang maging hedgehog ay gagawin ko para maitago ang aking biyas.

Sinilip ko ang mga lalaking may dalang sandata. Papunta ito sa may kinalalagyan namin kaya bigla akong pinagpawisan. Sa mga itsura nito ay halatang mandirigma ang peg ng mga lalaki. Mamasel masel ang mga katawan. Tanging bahag ang suot kaya naman sunog ang mga balat.

"My God! Skin care naman kahit konti" ani ko na biglang napauklo ng idiin ako ng babae sa lupa.

Hinawi ng isang lalaki ang damo sa aming kinalalagyan. Ngunit agad din naman itong umalis ng walang makita. Hindi ko lang sure kung bulag ito o sadyang nagbulag bulagan lang dahil nagtama naman ang aming paningin.

"Ho! Ho!"

Rinig ko ang kanilang usapan. Seryoso ang mga mukha nitong tumitingin tingin sa paligid bago umalis. Sampung minuto na ang nakakalipas ng makaalis ang mga ito bago ko nagawang tumayo sa pagkakasalampak. Kinailangan ko pa talagang pagpagan ng bonggang bongga ang aking damit dahil sa dumi nito.

Hahawakan ko na sana ang aking maleta ng bigla rin itong hawakan ng babae na ikinagulat ko.

"Ay .. kabayo!" bulalas kong napalayo sa kaniya. Ngayong mas malapitan ko siyang napagmasdan ay hindi nga ako nagkamali. May mga ilang piraso ng lupa pa ang nasa kaniyang mukha. Mag ilang tattoo rin ito sa kaniyang braso na natakpan na ng dumi.

"Nandiyan ka pa pala!" puna ko at umalis sa talahiban. Hinila ang aking maleta at nagsimulang maglakad.

Kahit papaano ay gumaan ang aking loob na may iba pa palang tao sa Earth. Hindi ko lang maintindihan ay pupwede naman akong dalhin ni God sa New York or California, pero bakit sa Africa pa niya ako dinala?

"Bahag? Seriously?" ani ko na napatawa. Siguro kung si Aljur Abrenica pa yun o di kaya si Tristan Bull, baka nako... dumapa na ako at naghubad sa harapan nila. Pero dugyot dugyutan lang ang peg ng mga nakita ko.

Binaybay ko ang kakahuyan. Pinagpapawisan na rin ako sa aking damit kaya napatingin na ako sa kaniya. Sa babaeng kanina pa sumusunod sa akin pero hindi naman nagsasalita! Kakaloka.

Tinitigan ko siya ng maigi. Nameywang at kinausap siya.

"Kanina ka pa sunod ng sunod sa akin...ano bang meron? Kakagatin mo ako kapag hindi na ako nakatalikod? Nanakawin mo mga dala dala ko? O nagkagusto ka lang talaga sa akin?" sunod sunod kong tanong habang inaayos ang wig na aking suot.

Ngumuso lang ito at yumuko ngunit hindi nagsalita. Para tuloy akong tanga sa kakangawa ngunit walang sumasagot.

"Ay nako. Akala ko mukha mo lang ang hindi pinagpala ng Diyos, pati pala bibig at dila mo hindi rin pinagpala"

Umupo kami sa may nakatumbang kahoy na nabubulok na upang magpahinga. Tumingala ako sa langit. Mag aalas kuwatro na ng hapon pero papadilim na agad ang paligid.

"Alam mo ba kung nasaan ako pangit?" tanong ko sa babaeng umupo sa lupa.

Tumingin lang ito sa akin. Bumuka ang bibig ngunit walang kahit na anong bagay ang lumabas duon.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon