****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
"Ikaw na gurang ka, papakuha na kita kay Lord kapag tinawag mo ulit akong Anitong Tao. tsaka ano ba peg ng babaeng nakaputi na yan? Ililibing lang?" ani ko na napatawa.
"Bakit may papatayin? Si wrong turn papatayin niyo? Eh mas makunat pa sa balat ng kahoy ang balat niyan eh" turo ko sa babaeng kasama ko kanina.
Pinagmasdan ko ang lahat. Nakatanga lang ito sa akin na parang inis.
"Huwag naman po kayong magsalita ng ganiyan sa pinuno"
Napatutop ako ng bibig ng marealize na naiintindihan na nila ako. Parang ang tagal ko ring hindi nakarinig ng normal na tagalog kaya hindi agad rumehistro sa akin ang kanilang mga sinasabi.
"N-na-naiintindihan niyo na ako?" tanong ko sa mahinang boses. Naramdaman ko ang panlalamig ng aking mga paa ng makitang itinaas ng ilang mandirigma ang kanilang mga sandata.
"Oo naman. Dapat lang na maintindihan namin ang aming Panginoon" sagot ng isang babaeng yumukod at pinunasan ang aking kimono.
Ako? Panginoon?
Napangiti ako sa aking naisip. Siguro ngayon lang sila nakakita ng kagaya kong halamang dagat kaya nagandahan sila ng husto. Kailangann pala nilang manuod ng at Bulaga. Doon mas madami ang super sireyna!
Itinaas ko ang aking mga kamay upang magpasalamat ng muling sampalin ng babaeng nakaputi si wrong turn character.
"HOy! Ano ba ate? Tumigil ka na nga. Ano bang ginawa niyan sayo para pagsasampalin mo?" tusok ko sa kaniya ng monopod pero yumukod lang it at nagpaumanhin. Inutusan ang mga lalaking bitbitin na ang babae na magang maga na ang mukha.
"Dalhin na ya-"
"Tigilan mo nga siya" anito ko na hinila si wrong turn at itinulak ang babaeng nakaputi. Napaupo ito sa lupa na ikinagulat ng lahat.
Hinawakan ko ang kamay ni wrong turn na nagtago sa aking likuran. Naiinis lang ako sa pangmamalupit ng babae dito. Walang katarungan! Makibaka!
"Ano bang problema? Bakit mo siya sinasaktan?" tanong ko dito habang nakataas ang kilay.
"Nilapastangan ka niya Anitong Tao! Isa lamang siyang alipin. Madumi ang kaniyang mga kamay para hawakan ang banal mong damit" anitong nakayuko.
"Sampalin kaya kita?" ani ko.
"Maka alipin ka naman? 21st century na tayo ate. Maid na ang tawag dito...pero" ani ko na tiningnan ang babaeng nasa aking likuran
"wrong turn na ang tawag sa mga ganitong babae.pangit eh" natatawa kong sambit.
Nagbulungan ang mga tao.
"Pero Anito-"
"Isa pang anito mo ate.." ani kong tumingala sa langit. Itinaas ang aking kamay at inambahan siya.
"Tatamaan ka na talaga ng mga hawak kong kutsilyo?" biro ko na parang may hawak na kutsilyo sa kamay kahit wala naman.
Napaatras naman ang mga ito. Napangiti ako sa aking sarili. Ngayon lang ako nakakita ng mga tao sa 21st centruy na ganito ka naive. Mantaking maniwala sa banta ko?
Lalapit sana ang matandang kulugo sa akin ng biglang umulan ng malakas. Napasilong silang lahat sa kaniya kaniyang bahay ngunit hindi ako umalis sa aking kinalalagyan. Paano ba naman kasi ako makakaalis kung nakayuko sa aking likuran si wrong turn at nakahawak sa aking maleta na hindi ko napansing kinuha na pala niya sa mga lalaki.
BINABASA MO ANG
Beki Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)
RomanceAko ang maganda.... Ako ang maldita.... Ako ang pinaka taklesa at mapangmataas... Ako ang pinakamagaling ... Ako ang pinakamapanglait.... Ako ang mahilig mag booking ng hombre.... Ako ang nag iisang baklang dapat maging Queen ng lahat At ako.... Ako...