****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****.
"Ilan ba sila?" tanong ko na nakatingin sa likod ni Mah-lak-KEE
Nag init ang ulo ko ng hindi man lang niya ako pansinin. Kaya naman tumayo na ako sa aking pinagtataguan malapit sa kaniyang likuran at nagmartsa papunta sa harap nito at nakisilip.
"B-bakit ang dami nila?" ani ko na hindi makapaniwala. Napaupo na lamang ako sa damuhan sa panghihina.
"Sinabi ko naman na hintayin mo na lang ako duon di ba? Bakit kailangan mo pa kasing pumunta sa harapan?" tanong niya
"Paano to? Imposible naman yatang makabalik pa tayo?" patanong ko rin na sagot.
TUmalikod ito at binaybay ang madilim na kakayuhan. Hawak hawak nito ang aking braso kaya naman halos madapa na ako sa bilis ng kaniyang paglalakad.
"Dahan dahan naman. Wala akong night vision para makapaglakad ng mabilis" reklamo ko.
"Night Vision? Mata lang naman ang mga yun!" sagot nito.
Napabuntong hininga na lamang ako at sinunod ang kaniyang gusto.
Nandito kami ngayon sa gubat ng balangay nila Maganda. Apat na araw narin kaming paikot ikot at nagmamanman kung paano makakapasok. Napapalibutan kasi ng mga bahag boys na hindi taga sa amin ang karamihan ng daanan.
Tama rin ang sinabi ni Mah-lak-KEE na wala ngang magagawa ang aming mga kawal dahil may hawak na baril ang ilan sa mga kaalyado nito. Sa tingin ko ay mga dayuhang Pranses pa yata ang koneksiyon nito dahil sa nakita kong isang lalaki na may something-flowery sa leeg.
"Tingnan natin kung makakadaan tayo sa likuran ng balay ng pinuno" ani Mah-lak-KEE.
Tumango ako at sumunod sa kaniya. Hindi lang naman ang balangay ang gusto kong puntahan at pag aralan. Ilang araw ko na ring pinagmamasdan at pinag aaralan ang kilos ni Mah-lak-KEE.
Nagkakaintindihan na kasi kami nito kahit na nailabas na mula sa aking katawan ang translator. Miminsan ko narin siyang naririnig na nagsasalita ng English na hindi ko naman sinabi para kaniyang magaya. At napaka fluent pa nito hindi katulad nila maganda na may accent kapag nag sasalita.
Hindi tuloy mawala sa aking utak na baka napadpad lamang din siya dito galing sa panahon ko. Na ang pamilya na sinasabi niyang kaniyang iniwan ay pamilya niya duon.
"Okay ka lang?" tanong nito na biglang tumigil upang titigan ako. Hindi ko ito napansin kaya nabunggo ko ang kaniyang katawan.
"B-bat ka biglang tumigil?"
"Bat ka nakatulala?"
"Eh bakit ka nga tumigil porke nakatulala ako?"
"Bakit hindi ako titigil kung nakatulala ang kasama ko?"
Binatukan ko siya sa pakikipaglaro sa akin. Ako pa talaga ang ininis niya ngayon na madami akong iniisip.
"Isang batok isang halik" anito.
Hindi na ako nagmaniobra pa para lumayo ng hawakan niya ako sa beywang at halikan sa labi. Hindi pa ito nakuntento ng pasimpleng hagurin ang aking katawan.
"T-Tama na baka may kalaban oh" ani ko na sinaway ito.
"Sus gusto mo rin naman"
Mabuti na lamang at madilim ang gabi. Hindi ako mahihiyang ipakita sa kaniya ang aking mukha na namumula sa pagkapahiya dahil hindi naman niya ito makikita.
"Umalis na tayo. Gusto ko nang makasama muli sila Maganda" ani ko na nauna nang naglakad.
Nakukulitan narin ako minsan kay Mah-lak-KEE. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng kaniyang utak. Minsan napakaseryoso. Minsan naman ay parang bata na kung makapaglambing ay siguradong hindi ko matatanggihan.
Tinumbok namin ang paligid ng balangay. Halos lahat ay may bantay ngunit ngayon ko talaga napagtanto na malaki laki rin talaga ang lugar na tinirhan ko dati. Pagod na pagod na ako sa ilang oras naming pag iikot ng makarating kami sa bangin na ilang metro din ang layo sa bahay ng pinuno.
"Wala ngang tao dito.." ani Mah-lak-KEE na sinenyasan akong sumunod.
Hinawi nito ang naglalakihang dahon ng anahaw at nagyayabungang dahon ng saging na nakaharang sa daanan. Nakayuko kaming sumugod sa loob nito. Nagpasalamat ako ng lihim sa mga dahon dahil ito ang nagtago sa amin. Malapit narin kasing mag umaga kaya kailangan na naming bilisan upang hindi kami makita at mahuli.
Ilang beses akong napaaray dahil sa kung ano anong matulis na bagay ang aking naaapakan. Idagdag pa na may mga tinik ang katawan ng anahaw na aming dinadaanan.
Narinig kong kumatok si Mah-lak-KEE sa kawayang pintuan sa likod ng bahay ng marating namin ito. Natatago man sa naglalakihang dahon ng gabi ang aming puwesto ay hindi ko maiwasang hindi kabahan ng todo. Napakarami ng kaaway namin na nasa paligid. Magkamali lang kami kahit kaunti ay tiyak na kamatayan ang aming aabutin.
"Pinuno! Pinuno!" tawag nito.
Wala sa kaniyang sumasagot kaya lalo akong pinagpawisan ng malamig.
"Umalis na kaya tayo? B-baka wala namang tao diyan..." ani ko na hinila ang suot nitong damit
"Pinuno! Nandito na ako"
Muli kong hinila ang kaniyang suot ngunit wala man lang itong reaksiyon. Kinakalampag parin nito ang pintuan.
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil din ito sa pagkatok. Aayain ko na sana siyang muli upang umalis ngunit hindi pa pala ito tapos. Kinuha lang ni Mah-lak-KEE ang kaniyang itak at marahang binutas ang kawayang dingding upang makapasok.
Sumunod na lamang ako. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kapag naiwan ako kaya mas maganda na magkasama kami. Subalit napatihaya ako sa tuyong tinik ng mga anahaw ng bigla niya akong sipain palabas ng butas. Mabuti na lamang at tanging ulo ko pa lamang ang aking naipapasok kaya madali akong nakaalis.
"ANO BA! TANG INA.. ang sakit n-n-nun.."
Napatigil ako sa pagsasalita ng tumalsik sa aking mukha ang dugo mula sa katawan ni Mah-lak-KEE.
Napasigaw na ako ng tuluyan ng sa aking marahang paglapit dito ay makita ko ang itak na nakatarak sa katawan nito.
"T-Tumakbo ka na! Umalis ka na Steph!!!!!!!!"
Napapikit na lamang ako ng tumalsik sa akin ang dugo sa bibig nito. Ang kaniyang mga mata ay nanlalaki habang nakatitig sa akin.
"A-ALIS NA!"
Tuluyan nang nablangko ang aking utak sa dami ng bagay na sabay sabay na pumasok dito. Ito siguro ang tinatawag nilang state of pagkawindang. Nakaupo ako sa maputik na lupa habang kumakabog ng napakalakas ang aking dibdib. Lalo pang pinapaigting ng dugo na marahang umaakyat papunta sa aking ulo ang kaba at takot na namamayani sa akin.
"Mah-Mah..mah.."
Napaiyak na lamang ako ng mapahawak ang lalaki sa ilang piraso ng dingding na kawayan. Kitang kita ko kung paano dumugo ang palad nito. Kita ko rin ang anino ng mga tao sa loob ng bahay.
"U-Umalis ka na Steph" pakiusap nito.
Agad na lamang akong tumayo. Marahang humakbang patalikod. Pinagmasdan ang lalaking minahal ko noong una pa lamang itong makita.
"Mah-lak-KEE.. mahal na mahal kita" bulong ko dito na mabilis na tumakbo.
Hindi ko na pinansin pa ang aking daraanan. Mabilis na umalis sa lugar na iyon ng tumatangis. Dahil alam ko, maaring ito na ang huling pagkakataon na makita ko ang mukha niya.
"Napakasakit na malungkot mo pang mukha ang madadala ko sa aking paglayo... sana magkita pa tayo" ani ko.
Muli akong lumingon sa aking pinanggalingan ng mapaaray ako ng malakas. Huli na bago ko pa malaman na tumusok pala sa aking binti ang pana ng isang katutubo na nakaabang sa akin. Nais ko mang tumigil dahil sa pagdurugo ng aking binti ay hindi ko na kailangan pang gawin iyon. Dahil sa ilang hakbang pa lamang na aking nagagawa ay tuluyan nang bumigay ang aking katawan ng tumama sa aking ulo ang matigas na bagay na ibinato sa akin.
"Mah-lak-KEE"
Napapikit na lamang ako ng maramdaman ang malamig na kutsilyo na nakatutok sa aking leeg. Mabilis akong nalapitan ng mga bahag boys.
Nagsalita ang ilang katutubo na pumaikot sa akin. Pero hindi ko sila maintindihan. Ni isang salita ay hindi pumapasok sa aking utak.
Napangiti na lang ako ng mapakla. Tintigan ang mga bahag boys habang mataas ang boses na sumisigaw ng kung anuman.
Siguro nga ito na ang katapusan ng aking paglalakbay. Ang katapusan dahil hindi ko na rin alam kung nasaan na ang translator na aking kinuha.
Pumikit ako. Nanalangin na sana lang ay makabalik pa ako sa aking panahon. Na katulad ng ibang anime na namamatay ang bida ay nakakabalik at wala na lang maalala.
"A-AHHH" napaigik ako ng maramdaman ang kutsilyo na gumilit sa aking leeg. Hindi ko na napigilang mapaubo ng dugo ng marahang humina ang daloy ng hangin sa aking baga.
![](https://img.wattpad.com/cover/18238764-288-k487817.jpg)
BINABASA MO ANG
Beki Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)
RomantikAko ang maganda.... Ako ang maldita.... Ako ang pinaka taklesa at mapangmataas... Ako ang pinakamagaling ... Ako ang pinakamapanglait.... Ako ang mahilig mag booking ng hombre.... Ako ang nag iisang baklang dapat maging Queen ng lahat At ako.... Ako...