Chapter 22 OMG pa more!

2.5K 108 14
                                    

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Paano nga ba ang mamatay? Ano ba ang nararamdaman ng isang tao habang unti unting nililisan ng buhay ang kaniyang katawan? Nakakaramdam kaya siya ng takot? Ng pagsisisi? Ng galit?

"Ahhhh"

"Steph tama na!"

"Putang ina kayo! Uubusin ko kayo!"

Iwinasiwas ko ang espada na aking hawak. Inisa isang pinatay ang mga bahag boys na nagtatangkang lumapit sa katawan ni Mah-lak-KEE.

Ramdam ko ang sugat sa aking braso. Ramdam ko rin ang patuloy na pagdaloy ng dugo mula sa aking mga binti na tinamaan ng pana. Kumikirot rin ang aking mga kalamnan sa bawat galaw na aking ginagawa.

Parang unti unting naglalaho ang buhay sa akin. Unti unting humihiwalay ang aking dugo na tuluyang nagpapahina sa aking mga bisig. Ang aking mga mata ay tila nanlalabo na rin kasabay ng pagbigat ng aking paghinga.

Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Ganito ba ang nararamdaman ng malapit nang mamatay? Nang malapit nang bawian ng buhay anumang oras?

"Naramdaman mo rin ba ang nararamdaman ko ngayon Mah-lak-KEE?" bulong ko sa mukha nitong nakadilat.

"HUWAG!"

Napalingon ako kay Arayuon-man ng sumigaw ito. Ngunit sa paglingon kong iyon ay natusok ng sibat ang dulo ng aking mukha.

"Gago! Sinong nagsabi na puwede niyong saktan si Steph!"

Hinawakan ko ang aking mukha. Hindi naman ito napano ngunit malaki rin ng kaunti ang hiwa sa aking pisngi.

Dinama ko ang masaganang dugo na lumabas mula dito. Amoy ko ang malansa at malagkit nitong amoy na dumadaloy paibaba sa aking leeg hanggang sa  aking dibdib. Napapikit ako habang patuloy nitong tinatahak ang guiht ng aking tiyan hanggang sa garter ng aking suot na panloob.

Hinang hina na ako. Mauubusan narin yata ako ng dugo sa dami ng sugat sa aking katawan.

Napahinga ako ng malalim. Ganito pala ang malapit nang mamatay. Mararamdaman mo ang papaunting hangin sa iyong baga. Ang papahinang tibok ng iyong puso at ang marahang pag alala ng mga bagay na nangyari sa nakaraan.

Napahiga ako sa putikan. Hinayaang pumatak ang tubig ulan sa aking nakabukas na mata. Lumuluha habang nakatitig sa maitim na ulap na tumatabing sa sinag ng araw.

*****

"UHHHHHHHHHH"

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon