Chapter 16 First Blood

2.6K 106 8
                                        

****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****

Napatakip ako ng aking tainga dahil sa lakas ng aking sigaw. Ang echo na ginawa nito ay lumukob sa aming kinalalagyan habang nakayakap sa akin ang duguan katawan ng binata.

"MAH-LAK-KEEE!" lumuluha kong sigaw.

Pareho kaming natumba sa lupa dahil sa bigat nito. Hindi ko rin inaasahan na bigla na lamang itong haharang sa akin kaya nasa aking katawan ang buong puwersa ng lalaki.

"Huwag mo akong iiwan. Please! Huwag mo akong iiwa-"

"Takte. Ang ingay mo talaga" bulong nito sa aking tainga.

"My God! Buhay ka!"

"Isang palaso lang yun. Hindi ako mamamatay ng ganun kabilis"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Walang pagdadalawang isip na hinalikan ang kaniyang labi habang lumuluha. Napakasaya ko. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Basta masaya ako na okay siya. Na hindi siya napano.

Napapikita na lamang ako sa sensasyon na dala ng kaniyang halik. Ngunit mas lalo akong naluha ng ilayo niya ang kaniyang labi. Tinitigan ako ng matiim at marahang pinunasan ang luha na nasa aking pisngi.

"Ako ang nadisgrasya. Ako ang pinagsamantalahan mo kaya ako dapat ang umiiyak kung hindi man nagwawala" anito na lalo kong ikinaluha.

"Napaka ingay mo na nga napaka iyakin mo pa. Paano mo ba nagawang patayin ang mga tao sa balangay kung ganito ka?"

Sinuntok ko ang braso nito. Ngunit agad ko siyang niyakap. Nais ko sanang umiyak sa balikat nito ng puwersahan niyang tanggalin ang aking braso. Umalis sa pagkakayakap ko at tumungo sa likuran ng puno.

Susunod na sana ako dito ng makita ko ang palaso na nakatusok pa sa may balikat nito. Nakatarak pa ang buong kahoy sa kaniyang balat. Agad ko siyang pinatigil upang gamutin sana ang kaniyang sugat ng mapasigaw ako sa sakit. May isa pang palaso ang itinira sa amin. Ngunit dahil madilim ang gabi, tanging galos lamang ang aking nakuha ng dumaan sa gilid ng aking hita ang bala nito.

Hinila ako ni Mah-lak-KEE sa likuran ng puno. Inilabas ang kaniyang itak at parang hayop na iginala ang kaniyang paningin.

"A-Ano ba ang nangyayari?" nag aalala kong tanong. Kahit madilim kasi ang paligid ay kitang kita ko kung paano tumulo ang sugat niya sa balikat. Bumibigat narin ang paghinga nito.

"Mga walang modo. Ako pa ang kinalaban niyo" ani ng lalaki na tumalikod. Binagtas nito ang madilim na parte ng gubat. Ayaw ko man sanang sumunod dito ay wala na akong magagawa. Mas nanaisin kong maglakad sa gitna ng mga punong ito ng may kasama kesa maiwan sa lugar kung saan muntikan na akong bawian ng buhay.

Beki  Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon