Author's Note: Heto na po update. Pa vote at comment po ha. Sorry tagal ng update... pawala wala ang net connection :D
****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
"Alms, alms, alms. Spare me a piece of bread. Spare me your mercy. I am a child so young, so thin, and so ragged."
"Why are you staring at me? With my eyes I cannot see but I know that you are all staring at me. Why are you whispering to one another? Why? Do you know my mother? Do you know my father? Did you know me fifteen days go? Yes, fifteen day of bitterness have passed. I can still remember the vast happiness mother and I shared with each other. We were very happy indeed."
“But why? Why? Why am I here?”
"BAKETTTTTTTTTTTTTT!"
Para akong tangang kinakausap ang aking sarili sa harap ng compact mirror. Napapa english na tuloy ako ng tuluyan sa sobrang boring ng buhay.
15 days! Labing limang araw na akong naririto sa Mait Maitong lugar na ito na wala na yatang ikakaboring pa. Sana pala itinuloy ko na lang ang pagtalon ko sa bangin.Yun baka naging exciting pa life ko.
Imagine walang internet, walang cellphone signal, walang pageant at higit sa lahat walang guwapong lalaki!. Nangangati na ang aking katawan. Gusto ko nang magpakamot pero wala namang lalaki ang worth ng virgin kong katawan sa mga bahag boys.
"Urgghhhhhhhhhhhhh.. "
"Ano pong nangyayari estip? May nararamdaman ba kayong masama?"
"Nanay naman eh. badtrip na nga ako.. babadtripin pa ako ng tawag niyo sa akin. STEPH po hindi estip" ani kong nilapitan ang matandang babae at niyakap.
"Morning nanay" bati ko na ikinangiti nito.
Kung mayroon mang pakunswelo ang paglalagi ko sa lugar na ito, iyon ang katotohanang buhay reyna ang turing nila sa akin. May mabait na nanay.. magalang na tatay -hindi katulad ni itay sa Caloocan at isang...
"Maganda! Lapit ka nga dito. Maganda Ahkuu" tawag ko sa babaeng ipinanganak sa putik, pinalaking alipin, ibinenta sa pinuno, na dahilan para maging wrong turn character ngunit sa huli ay magkaroon ng umaapaw na confidence na tawagin ang sariling maganda?! The hell.
Hinalikan ko sa pisngi si nanay bago ito nagpaalam na may iniluluto pa sa kusina. Hinintay ko na lamang si Maganda upang malaman ang aking schedule for today.
Bore na bore na ako. Malawak ang lugar at madami namang maaring gawin pero naman for goodness sake, kailangan ko ba talagang maglakad para makapagsaya? Asan ang tricyle? Asan ang taxi? o kahit bisikleta na lang ay pagtatiyagaan ko na. Basta walang lakarang mangyayari.
"Steph"
"Yes?" sagot ko ng dumating si Maganda. In fairness nakapaa pa rin ito. Walang pinagbago!
"May bibisitahin po kayong burol ng tatay ng tatay ng tatay ng pinuno ngayon. May ilang bisita rin pong darating mula sa kabilang ibayo upang makausap kayo." ani Maganda
"Tapos?" tanong kong binuksan ang aking maleta. Naghanap ng damit na maisusuot habang nakikinig sa kaniya.
"May ilang timawa po ang humihingi ng pahintulot kung maaari niyong bisitahin ang kanilang taniman. Tagtuyot na po kasi ang lupa at bilang Diyosa kayo ng Ulan at Hangin, nais nilang humingi ng banal na tubig mula sa inyo"
Nag make face ako sa kaniya. Ito ang ayaw ko sa kanila. Nagkaroon lang ng magandang tao sa kanilang lugar ay feeling nila magagawa ko na lahat. Sino ba nagsabing Diyosa ako?
BINABASA MO ANG
Beki Noon, Ngayon at ..... Noon Ulit?! (COMPLETED)
RomanceAko ang maganda.... Ako ang maldita.... Ako ang pinaka taklesa at mapangmataas... Ako ang pinakamagaling ... Ako ang pinakamapanglait.... Ako ang mahilig mag booking ng hombre.... Ako ang nag iisang baklang dapat maging Queen ng lahat At ako.... Ako...
